Quantcast
Channel: NEWS Archives - REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Trike driver todas sa riding-in-tandem

$
0
0

TODAS ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin ng dalawang lalaki sakay ng motorsiklo habang nag-aabang ng pasahero ang una sa Caloocan City, Sabado ng madaling-araw, Abril 26.

Namatay habang ginagamot sa Tondo General Hospital sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Romel Leonud, 39, ng Dagat-dagatan Avenue.

Nadakip naman si Jeffrey Monreal, 39 ng Phase 2, Longos, Malabon City habang nakatakas ang hindi pa kilalang kasama.

Sa ulat, alas-5:40 ng madaling-araw, nag-aabang ng pasahero ang biktima malapit sa kanilang bahay nang sumulpot ang mga suspek at paulanan ng bala ang biktima.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek sakay ng gamit na motorsiklo habang dinala naman ang biktima sa TGH.

Sa follow-up operation, nadakip si Monreal habang nakatakas ang hindi pa kilalang kasama kung saan inaalam na ng mga pulis ang dahilan ng  pamamaril.

The post Trike driver todas sa riding-in-tandem appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>