“WHAT a waste of money!”
Ito ang reaksyon ng isang Catholic bishop kaugnay sa malaking ginastos ng pamahalaan sa state visit ni US President Barack Obama sa Pilipinas kamakailan.
Ayon kay Puerto Princesa Bishop Pedro Arigo, sayang ang salaping ginasta ng administrasyong Aquino para sa state dinner, hotel accommodation at security protocol ni Obama.
Naniniwala si Arigo na dapat na inilaan na lamang ng pamahalaan ang naturang salapi sa mga makabuluhang programa para sa mamamayan tulad ng edukasyon, medical health care at rehabilitasyon ng mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda gayundin sa pagbibigay ng livelihood program sa mga survivor ng super typhoon.
Nabatid na P300,000 ang ibinayad ng gobyerno sa overnight stay ni Obama sa Sofitel, bukod pa ang ginastos sa magarbong state dinner at mga security protocol.
The post State visit ni Obama, waste of money – CBCP appeared first on Remate.