HINIKAYAT ng Commission on Elections (COMELEC)ang mga botante na samantalahin ang nalalapit na voter’s registration upang magparehistro at makaboto sa May 2016 presidential polls.
Ang voters registration ay magsisimula na sa Mayo 6 at magtatapos sa Oktubre 31, 2015.
Ayon kay COMELEC Chairman Sixto Brillantes, Jr., mas mabuting maagang magparehistro ang mga botante upang makaiwas sa mahabang pila.
Bukod naman sa mga hindi pa rehistradong botante, hinihimok rin ni Brillantes ang registered voters ngunit wala pang biometrics na magtungo na rin sa mga tanggapan ng poll body sa kanilang lalawigan upang ipa-validate ang kanilang record.
Batay sa pagtaya ng COMELEC, mayroong tatlong milyong hindi rehistrado ngunit kuwalipikadong botante sa bansa habang nasa 9.6 milyon naman, o 18% ng 53 milyong rehistradong botante, ang wala pang biometrics record.
Nabatid na ang voter’s registration ay idaraos mula Linggo hanggang Huwebes, ganap na 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, upang makapag-accommodate ng mas maraming registrants.
The post Voters registration aarangkada sa Mayo 6 appeared first on Remate.