Quantcast
Channel: NEWS Archives - REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Napoles ‘wag bigyan ng immunity

$
0
0

UMAPELA ang isang grupo ng mga maralita sa Department of Justice (DoJ) na huwag bigyan ng immunity ang itinuturong utak ng pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles.

Ang mga raliyista na walang partikular na grupong kinaaaniban ay nagsumite ng manifesto kay Justice Secretary Leila de Lima kanina upang hilingin na huwag gawing state witness si Napoles.

Hindi umano makatarungan na palulusutin si Napoles sa pagnanakaw sa kaban ng bayan gayong ang isang ordinaryong kriminal gaya ng mga snatcher na madalas lamang napagbibintangan sa krimen ay nabubulok na sa bilangguan dahil sa hindi pag-usad ng kaso.

Sila umanong mahihirap ay napagkaitan ng serbisyo dahil lamang napunta sa bulsa ni Napoles ang pondo ay dapat na mailaan sa kanila.

Ang panawagan ay ginawa ng mga raliyista kasabay ng kilos-protesta na kanilang idinaos sa harap ng DoJ.

The post Napoles ‘wag bigyan ng immunity appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>