Quantcast
Channel: NEWS Archives - REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Ina pinugutan ng anak sa Iloilo

$
0
0

PINUGUTAN ng ulo ang isang ginang ng mismong anak nito sa Brgy. Bonbon, Lambunao, Iloilo.

Kinilala ang biktima na si Erlinda Liderato, 65, habang itinago naman ng pamilya ang pangalan ng suspek.

Ayon kay Punong Brgy. Rolando Araceli, may dinaranas na nervous breakdown ang suspek kaya’t nagawa nitong pugutan ng ulo ang kanyang ina.

Natagpuan ang bangkay ng ina sa labas ng kanilang bahay kung saan nakapatong pa sa katawan nito ang kanyang pugot na ulo.

Nabatid na unang tinaga ng suspek ang balikat ng biktima ngunit hindi ito napuruhan at nakalabas pa ng bahay upang humingi ng tulong kaya nang maabutan nito ang ina ay tinuluyan nang pugutan ng ulo.

Nang dumating ang kapatid na babae ng suspek, narinig pa nito ang tunog ng patalim na hawak ng kanyang kapatid at nang makitang may dugo sa shorts nito, humingi na ito ng tulong sa kanilang barangay officials at doon na natagpuan ang bangkay ng kanilang ina.

Ayon sa punong barangay, bago nagka-nervous breakdown, mabait at masunuring anak ang suspek kung saan nagtrabaho pa ito sa labas ng bansa at ipinagawa ang kanilang bahay.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa kanilang kubo habang inihahanda ang pagdadala rito sa mental hospital.

The post Ina pinugutan ng anak sa Iloilo appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>