Quantcast
Channel: NEWS Archives - REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

3 rookie cop tiklo sa robbery extortion

$
0
0

2-cops-arestado

NAHAHARAP ngayon sa kasong robbery extortion ang tatlong rookie cop matapos ipagharap ng reklamo ng dalawang complainant sa Quezon City Prosecutors office kaninang umaga, Mayo 2.

Kinilala ang tatlong pulis na sina PO1’s Roland Mansibang, Ronaldo Englis at Christopher Lucky del Peña, pawang mga miyembro ng Quezon City Police District at nakadestino sa Galas Police station 11.

Ayon kay QCPD district director chief Supt. Richard Albano, inirekomenda ni Assistant City Prosecutor Nilda R. Ordoño ang pagsasampa ng kasong attempted robbery laban sa tatlong pulis kabilang ang hiwalay na kasong paglabag sa section 11 ng R.A 9165 laban kay PO1 Englis nitong nakalipas na Abril 30, 2014.

Sinabi ni Albano, bukod sa pagsasampa ng kaso ay nahaharap din sa summary dismissal proceeding ang tatlong pulis bukod ang pagsasampa ng kasong administratibo o grave misconduct laban kay Mansibang, Englis at Dela Peña.

Nauna rito, humingi ng tulong ang dalawang complainant na hindi binanggit ang pangalan kay PNP spokesman, chief Supt. Reuben Theodore Sindac dahil sa tangkang extortion ng mga suspek sa kanila sa Quezon City.

Si PO1 Mansibang at Englis lamang ang nadakip ng mga operatiba ng QC police at kapwa nakapiit sa Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa Camp Karingal habang nakalalaya pa si PO1 Dela Peña.

Binalaan din ni Albano ang mga tauhan ng QCPD na hindi nito pahihintulutan ang mga naturang maling gawain ng mga pulis.

The post 3 rookie cop tiklo sa robbery extortion appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>