NA-SUFFOCATE sa sunog ang isang mag-asawa habang sugatan naman ang kanilang anak nang lamunin ng apoy ang kanilang bahay sa Quezon City kaninang madaling-araw, Mayo 3.
Sa kuwarto natagpuan ang nasunog na bangkay ng mag-asawang sina Severino Macabingquil, 78, at ang asawa nitong si Clara, 72, kapwa residente ng Barangay Holy Spirit, Q.C.
Isinugod naman sa pagamutan ang sugatang anak ng mag-asawa na si Dahlia, 25.
Sa ulat, naganap ang insidente dakong 2:35 ng madaling-araw sa bahay ng mag-asawa sa #25 Odonel St., Barangay Holy Spirit.
Sa ulat ng pulisya, sa hindi pa malamang dahilan ay biglang sumiklab ang sunog sa bahay ng mag-asawa.
Tinangkang ilabas ni Dahlia ang kanyang mga magulang na nasa loob ng kanilang kuwarto pero biglang lumaki na ang apoy kaya napilitan na siyang lumabas para iligtas ang kanyang sarili.
Inaalam pa ng mga tauhan ng Bureau Of Fire Protection (BFP) ang pinagmulan ng sunog na umabot lamang sa unang alarma.
Inaalam pa rin hanggang ngayon kung magkano ang halaga ng pinsala ng sunog.
The post Sunog sa QC, mag-asawa natusta appeared first on Remate.