IDADAAN sa masusing evaluation ng special prosecutors ng Office of the Ombudsman ang application nina dating Technology Resource Center Head Dennis Cunanan at dating NABCOR officials Rhodora Mendoza at Victor Cacal.
Binigyan-diin ni Assistant Ombudsman Asryman Rafanan na maselan ang kahilingan nina Cunanan, Mendoza at Cacal, kung ikukumpara kina Benhur Luy at Ruby Tuason.
Gayunman, tiniyak ni Rafanan na maingat ang proseso nang pagsala sa mga testigo para sa kapakanan ng buong reklamo na nasa kamay na ng Sandiganbayan.
The post Immunity ni Cunanan at iba pa bubusisiin appeared first on Remate.