TODAS ang isang mag-asawa makaraang barilin ng mga nakasakay sa Asian utility vehicle kaninang umaga sa Quezon City.
Binaril ang mag-asawang Neil Sanogal, 43, at Rosela, 44, habang sakay ng motorsiklo sa Himlayan, Barangay Pasong Tamo, alas-6:30 ng umaga.
Sugatan naman ang 11-anyos na babae na si Josa Rey dela Cruz, makaraang tamaan ng ligaw na bala habang bumibili ng almusal.
Ayon kay case investigator Police Officer 3 Marlon dela Vega, tatlong sakay ng puting Toyota Tamaraw FX ang bumaril sa mga biktima.
Hinala ng pulisya na matinding galit ang dahilan nang pamamaslang sa mag-asawa.
Ihahatid sana ni Neil ang kanyang asawa na isang accountant sa Antipolo City nang mangyari ang pamamaril.
Kalalabas lamang ng bahay ng mag-asawa nang harangin ng mga suspek na sakay ng puting Tamaraw FX at pinagbabaril sila.
Iniimbestigahan na ang nasabing krimen.
The post Mag-asawa sabay itinumba sa QC appeared first on Remate.