IMBES maghirap pa, isang lolo na may malubhang karamdaman ang nagsaksak sa sarili sa La Union kaninang umaga, Mayo 6.
Nakabaon pa ang icepick sa leeg ng biktimang si Velentin Valera, 77, balo, nang madiskubre ang bangkay nito sa kanyang bahay sa Barangay Central West, Buang, La Union, alas-6:05 ng umaga.
Ayon sa manugang ng biktima na si Lourdes Flores, nakita na lamang niya ang kanyang lolo na tila hindi na humihinga habang nakahiga sa kanyang folding bed.
Agad nagpasaklolo si Flores sa kanyang mga kamag-anak para maitakbo sa pagamutan ang biktima pero hindi na ito umabot nang buhay sanhi ng isang saksak ng icepick sa kanang bahagi ng leeg.
Sinabi ni Flores, madalas magreklamo ang biktima ng pananakit ng dibdib dahil sa karamdaman na acute tuberculosis.
Nagpapahanap na rin aniya ito ng punenarya dahil sa paniniwalang malapit na siyang mamatay.
The post Lolong may TB, tinarakan ng icepick ang sarili appeared first on Remate.