Quantcast
Channel: NEWS Archives - REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Mga kongresista hati sa EDCA

$
0
0

WALANG nilalabag na batas ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos ayon sa ilang kongresista.

Sa Lingguhang Ugnayan sa Batasan, nanindigan si Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na matapos niyang basahin at pag-aralan ang EDCA ay wala naman siyang nakitang nakasaad doon na lalabag sa mga umiiral na batas ng bansa.

Sa ngayon, wala pa naman siyang nakikitang dahilan para iakyat sa korte ang kinukwestyong kasunduan dahil lamang sa mga premature na alegasyon.

Sa panig naman ni Magdalo Rep. Ashley Francisco Acedillo, sinabi niyang malabo ang pangamba ng ilan na gagamitin ng US ang EDCA upang makapagpasok ng nuclear weapons sa Pilipinas.

Ani Acedillo, malinaw na nakasaad sa Article 4 Section 6 ng EDCA na hindi kasama ang mga nuclear weapon sa equipment supplies at material na dadalhin sa Pilipinas.

Pinawi rin ng kongresista ang posibilidad na maging magnet ng pag-atake ang presensya ng US forces sa bansa.

Aniya, hindi maghihikayat ng pag-atake ang presensya ng US bagkus ay makakapagpigil pa ito sa anumang pag-atake na maaaring gawin ng China.

Paliwanang pa ni Acedillo, ang pagsasanay at pananatili ng US forces sa Pilipinas ay hindi paghahamon ng giyera sa mga kalabang bansa kundi ito ay para sa benepisyo na rin ng Armed Forces of the Philippines na makapagsanay at makakuha ng ideya sa modernisasyon ng US at sa pagtatanggol sa bansa.

Magkagayunman, sinabi rin ni Acedillio na maghahain pa rin sila ng isang resolusyon na humihiling sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of National Defense (DND) na linawin ang ilang mahahalagang probisyon ng EDCA.

Kasama niya aniyang maghahain sina dating general at kasalukuyang kinatawan ng Pangasinan na si Rep. Leopoldo Bataoil, dating PNP Chief at partylist Rep. Samuel Pagdilao, dating General at Antipolo Rep. Romeo Acop at Magdalo Party List Rep. Garry Alejano.

The post Mga kongresista hati sa EDCA appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>