Quantcast
Channel: NEWS Archives - REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

2 tauhan ng BFP tiklo sa extortion

$
0
0

ARESTADO sa entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) dahil sa pangingikil kapalit ng fire safety certificate para sa isang pribadong paaralan sa Cebu City.

Ayon sa NBI, isang opisyal ng paaralan ang hiningan ng dalawang tauhan ng BFP  ng P30,000.

Bukod dito, inalok din ang nasabing opisyal na bumili ng fire extinguisher sa isang supplier sa mas mataas na halaga.

Bunsod nito, hindi nag-atubiling humingi ng tulong sa NBI-Cebu ang pamunuan ng eskwelahan at agad na pinlano ang entrapment operation.

Bagama’t nakunan ng video ang ginawang pangingikil ng mga suspek sa opisyal ng paaralan ay hindi naman nagbigay ng pahayag ang dalawa hinggil sa kinakaharap nilang kaso.

Napag-alaman din ng NBI na maraming beses na ring nasangkot ang dalawa sa extortion.

The post 2 tauhan ng BFP tiklo sa extortion appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>