DISMAYADO ang grupo ng mga guro matapos walang konkretong kinahinatnan ang pakikipagdayalogo sa Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Huwebes.
Ayon sa pahayag ni Alliance of Concerned Teachers (ACT) Rep. Antonio Tinio, mainam na nailahad na ng ilang guro sa kolehiyo ang kanilang pangambang mawalan ng trabaho dahil sa K-12 program.
Pero wala naman aniya silang napalang siguradong benepisyo dahil tumanggi pa ang Bureau of Labor Relations (BLR) na ilabas ang hinihingi nilang guidelines sa transition ng K-12.
Isa sa mga hinihingi ng professors ay ang guidelines na ilalabas ng DOLE, CHED at iba pa.
Sinabi ng BLR na pirmado na noong April 4 pa ang desisyon pero hindi pa mailabas hangga’t hindi pa napa-publish sa Official Gazette.
Paliwanag ng ACT, importante ang guidelines dahil nakasaad dito kung retrenchment o redundancy ang magiging dahilan ng tanggalan.
Dahil sa kawalan ng konkretong resulta, sunod na ihihirit ng ACT na makadayalogo mismo si DOLE Sec. Rosalinda Baldoz.
Nanganganib na mawalan ng trabaho ang ilang propesor dahil dalawang taong mawawalan ng estudyante ang mga kolehiyo at unibersidad, alinsunod sa pagpasok pa sa Grade 11 at 12 o senior high school ng mga estudyante sa ilalim ng K-12 program.
The post Teachers dismayado sa Independence Day dialog sa DOLE appeared first on Remate.