UMABOT sa 18 panukalang batas ang naipasa ng Senado sa unang regular na sesyon ng ika-16 na Kongreso sa kabila ng kontrobersiyang kinahaharap nito hinggil sa pork barrel scam.
Ilan sa mga naipasa ang pagpapaliban sa Sangguniang Kabataan elections, gayundin ang Maritime Industry Authority Act o Marina Law.
Ilan pa sa mga naipasang batas ang naghihintay na lamang ng lagda ng Pangulong Noynoy Aquino tulad ng graphic warning bill sa mga sigarilyo, at ang panukalang nag-aatas sa mga Telecommunications Companies (Telcos) na magpakalat ng mga libreng text messages na may nag-aalerto sa publiko tuwing may kalamidad.
Bukod sa mga nabanggit, ilang panukalang batas din ang naipasa ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa tulad ng Freedom of Information Bill (FOI).
The post 18 batas, naipasa ng Senado appeared first on Remate.