IPAIIRAL na sa lahat ng food establishments sa Quezon City, kasama ang mga nasa ospital, paaralan, at maging ang nasa catering businesses ang mag-offer sa mga customer ng “half cup of rice.”
Kaugnay ito ng report na may P8 billion halaga ang nasasayang na bigas taon-taon kaya inaprubahan ng city council sa isinagawang pangatlo at panghuling pagbasa ang “Half-cup rice ordinance of 2014” na mangangahulugan ng pagmumulta ng P2,000 sa sinomang lalabag sa bagong alituntunin at maaari pang maging dahilan ng pagkasuspindi ng kanilang business permits.
Inaprubahan ang nasabing panukalang batas ng mga konsehal sa isinagawang report ng Los Baños, Laguna-based International Rice Research Institute (IRRI) kung saan nasasaad na ang bansa ay nag-aaksaya ng may P23 million halaga ng bigas araw-araw na may kabuoang halaga na humigit P8 billion kada taon.
Ang IRRI ang nagsabi rin na ang bigas na nasasayang ay maaari na sanang magpakain ng may 4.3 milyong katao.
Ibinase rin ng city council ang data ng Department of Science and Technology’s Food and Nutrition Institute na nagpapakita ng antas ng bawat Pilipino ay nag-aaksaya ng tatlo kutsara o siyam na gramo ng bigas araw-araw di lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo na may kabuuang 3.3 kilos kada taon.
Dagdag pa nito: “sa masusing pag-aaral ay napatunayang ang half cup o half order ng kanin ay mababawasan ang pag-aaksaya lalo na sa food service industry.”
The post Half cup of rice ipinaiiral sa mga kainan sa QC appeared first on Remate.