KONTRA ang liderato ng Senado sa panukala ng Kamara de Representantes na tanggalin sa Department of Justice (DOJ) ang Witness Protection Program (WPP) at ipasa sa lower courts.
Sa isang radio interview nitong Miyerkoles, iginiit ni Senate Pres. Franklin Drilon na dapat manatili sa DoJ ang WPP dahil bahagi ito ng tungkulin ng pangunahing prosecution-arm ng gobyerno.
Ito’y para bigyan ng proteksyon ang mga testigo na malaki ang ginagampanang papel na makamit ang hustisya.
Paraan aniya ito ng DOJ para makumbinse ang mga testigo na lumutang laban sa mga kriminal.
Kinatigan ni Drilon si Justice Sec. Leila De Lima na kontrahin ang House Bill No. 4583 na naglalayong ilipat ang WPP sa lower courts.
“It is the duty of the DOJ being the lead prosecutor to gather credible witnesses who have knowledge about the crimes committed. But to persuade a witness to speak out is not an easy task. It is where the WPP plays an important role because it is being used by prosecutors to convince a witness to testify against a criminal offender,” paliwanag ng senador.
“It is also therefore the obligation of the DOJ to give 24-hour protection to the lives of state witnesses and provide for their needs while they are in government’s custody,” saad pa ni Drilon.
The post Pag-alis ng WWP sa DoJ kinontra ni Drilon appeared first on Remate.