Quantcast
Channel: NEWS Archives - REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Namatay na OFW sa Iran pinaiimbestigahan ni Angara

$
0
0

INUDYUKAN ni Aurora Rep. Edgardo “Sonny” Angara sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na imbestigahan ang misteryosong pagkamatay ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) na ginahasa ng isang grupo, pinatay at itinapon sa baybayin ng Kish Island sa Iran noong Enero 24.

Kinilala ang biktima na si Johanna Hilario Lamo, 29 taong gulang at huling nakitang lumulutang malapit sa tabing dagat ng naturang isla na kung saan maraming OFW ang naghihintay ng kanilang employment visa para sa United Arab Emirates.

Sinabi ni Angara na lumapit sa kanyang tanggapan si Paul Cabrera, kasintahan ng biktima at kanyang  fraternity brother upang humingi ng tulong na mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng dalaga at matulungan silang maiuwi ang kanyang bangkay sa Tagum City, Davao del Norte.

“Ako ay nakikidalamhati sa mapait na nangyaring ito at nananalangin kasama ng pamilya at kaibigan ng aking kapatid sa fraternity at ng mapapangasawa ng yumao. Nanawagan  ako sa DFA at OWWA na umaksiyon agad upang malaman ang puno’t dulo ng insidenteng ito,” ani Angara.

Idinugtong pa ni Angara na madalas ng magkaroon ng ganitong pangyayari sa hanay ng mga OFW kaya nararapat lang na masiguro ang kanilang seguridad at kaligtasan saan mang panig sila ng mundo.

Ayon sa mga kaibigan ni Lamo, umalis ito ng bansa upang magtrabahao sa Iran at makaipon para sa kanyang pagpapakasal kay Cabrera.

“Napakarami sa ating kababayan ang umaalis para maghanap ng mas magandang pagkakataon upang tulungan ang kanilang pamilya. Kay laki po ang nagiging kontribusyon nila sa ating ekonomiya,” wika ni Angara.

“Ngunit oras na para sagutin at tugunan kung bakit ba natin kailangan mag-ibang bansa pa para mag-hanapbuhay. Ilang bangkay pa ba ang kailangang iuwi para lang gisingin at ipamulat tayo sa problemang ito? Sana ito na ang huli,” dagdag pa niya.

Dadating ang bangkay ni Lamo sa Pilipinas ngayong gabi. Sinabi ni Angara ilang miyembro ng kaniyang staff ay sasalubong sa bangkay upang maiayos ang pag-uwi nito sa Tagum City.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>