Quantcast
Channel: NEWS Archives - REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Gumahasa sa dalagita sa parking lot ng police station pinasusuko na

$
0
0

NAGPALABAS na ang pamunuan ng Southern Police District (SPD) ng “ultimatum” laban sa hepe ng La Huerta Police Community Precinct (PCP) upang sumuko  makaraang akusahan ng panggagahasa sa 15-anyos na dalagita sa loob ng sarili niyang sasakyan habang nakaparada sa parking ng Central Station ng Parañaque Police.

Ayon kay SPD Director Senior Supt. Jose Erwin Villacorte, ilang araw na ang ginawa nilang pagbibigay kay Senior Insp. Mujalni Dugasan, 55 upang maghayag at ibigay ang kanyang panig subalit hindi ito nagpapakita sa kabila ng kanilang mga panawagan.

Iniutos na ni Villacorte sa Parañaque police na sampahan na ng kaso si Dugasan matapos mabigo ang pulisya na madatnan siya sa kanyang bahay sa Taguig City.

Dagdag pa nito, simula ngayong araw ay ilalagay na nila sa AWOL (absent without official leave) status si Dugasan at ihahanda na rin ang kasong administratibo laban sa kanya.

Sakaling mapatunayang guilty sa kasong grave misconduct si Dugasan, masisibak siya nang tuluyan sa tungkulin at malabo na niyang makuha ang kanyang retirement benefit at iba pang benepisyo lalo na’t nalalapit na rin ang kanyang pagreretiro.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>