KONTROLADO na umano ng Malaysian forces ang sitwasyon sa Lahad Datu, Sabah kaya wala na umanong magagawa ang mga nalalabing Filipino doon kung hindi sumuko.
Ito ang pahayag ni Inspector General of Police Tan Sri Ismail Omar na nakaposte sa The Star Online (http://thestar.com.my/news/story.asp?file=/2013/3/2/nation/20130302114715&sec=nation).
Ayon sa naturang opisyal, kung hindi susuko ang mga Pinoy ay kakaharapin ng mga ito ang aniya’y “drastic action” (marahas na aksyon) na kanilang ikakasa.
Nakasaad pa sa report na nananatiling nakakordon ang lugar at trap na doon ang mga Pinoy.
Siniguro rin ni Minister Datuk Seri Hishamuddin Tun Hussein na tututukan niya ang sitwasyon hangga’t hindi natatapos.
Kaugnay sa nangyaring bakbakan kahapon, iniulat ng Sabah police na 12 ang namatay sa kampo ni Sultan Kiram habang dalawang police commandos din ang nalagas.