Quantcast
Channel: NEWS Archives - REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Parak patay sa kaaway sa Zambo City

$
0
0

NAAGAWAN na ng baril, napatay pa ang isang pulis nang barilin pa siya ng kanyang nakasuntukang lalaki sa Zamboanga City kaninang madaling araw (Marso 2).

Nagtamo ng dalawang tama ng kalibre .45  sa katawan at namatay habang ginagamot sa ospital ang biktimang si P01 Shidie Nashar Sapie Indanan, miyembro ng Motorized Anti- Street Crime Operation (MASCO) ng Regional Public Safety Battalion (RPSB- 9).

Blangko naman ang Zamboanga City Police Station kung sino ang lalaking bumaril sa biktima pero nangakong malalaman din kung sino ang salarin at ano ang motibo sa krimen.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 4 ng madaling araw sa loob ng isang computer and café shop na nasa MCLL highway sa Barangay Guiwan sa Zamboanga.

Bago ito, pumunta ang biktima sa naturang computer café na naka-sibilyan lamang pero dala-dala ang kanyang caliber .45 pistol kasama ang dalawang kasamahang pulis na sina PO2 Eddymer Hadjarae at si PO1 Hayatullah Sakkam.

Pinaiwan nito ang dalawang kasamahang pulis sa labas ng nasabing computer café at mag-isang pumasok para kausapin ang  isang lalaking customer na nasa loob nito.

Pero imbes magusap nang maayos ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa na humantong sa suntukan.

Sa gitna naman ng suntukan, naagaw ng suspect ang baril ng biktima at saka pinapatukan ito bago tumakas tangay ang baril ni Indanan.

Iniimbestigahan naman ng mas mataas na awtoridad ang dalawang kasamahan ng biktima dahil wala silang ginawa para hindi mabaril si Indanan.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>