Quantcast
Channel: NEWS Archives - REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Carnapping laganap sa Taguig

$
0
0

TAGUIG CITY – WALANG BISA at hindi ligtas ang mga branded na two-wheeled vehicles kahit pa ito ay nakahimpil sa mga lansangan na may CCTV dahil sa abilidad ng mga hinihinalang miyembro ng sindikato sa pandarambong ng mga sasakyan sa naturang lungsod.

Dalawang magkahawig na carnapping related incidents ang naganap sa magkahiwalay na lugar ng Barangay Lower Bicutan at panulukan ng Sunshine Mall, FTI Complex, Barangay Western Bicutan, kung saan ay hindi mailarawan ng CCTV ang mukha ng mga suspek dahil sa soot nitong tinted helmet.

Ayon sa salaysay ng naunang biktima sa himpilan ng NCRPO-RPSB responding team na si Odelia C. Zafra, 34, Barangay Employee at nakatira sa 419 ML Quezon Avenue, Brgy. Lower Bicutan, hindi nila makita sa CCTV ng kanilang barangay ang mukha ng dalawang suspek nang tangayin ng mga ito ang kanyang hinuhulugang brand new Yamaha Mio na nakahimpil sa parking lot ng People’s Market dakong alas 9:05 noong Huwebes ng gabi.

Ganito rin ang sinabi ng magkapatid na Ruben at Elmer Linton, nakatira sa Blk. 30 Lot 2 Mindanao Avenue, Brgy. Maharlika Village, sa himpilan ng Intelligence and Anti-Carnapping Section kung saan ay hindi nila umano maaninag ang mukha ng mga hinihinalang salarin na tumangay sa kanilang MUTODA Public Utility Tricycle, Kawasaki Barako brand na may plakang 5940NU, habang ito ay nakahimpil dakong alas 7:20 noong Biyernes ng gabi sa panulukan ng Sunshine Mall,  FTI Complex, Barangay Western Bicutan.

Sa paliwanag nina NCRPO-RPSB responding team PO1 Cohlein Esmilla at PO1 Reymar Bayhon, nagagawa umanong takasan at muling magsagawa ng panibagong krimen ang mga suspek dahil sa nananatiling “unidentified” ito sa mga awtoridad.

“Apprehending a suspect warrants substantial proof and identifying him is one foremost thing in solving a particular crime,” anila.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>