KINAMPIHAN ni Western Samar Rep. Mel Senen Sarmiento si Pangulong Benigno Aquino sa gitna ng natamong pagtuligsa dahil sa “mishandling” sa isyu ng pag-angkin ng mga Kiram sa Sabah na nauwi sa madugong engkuwentro.
Binigyang diin ng mambabatas na hindi si Pangulong Aquino kungdi si Sultan Jamalul Kiram III ang dapat sisihin sa pagkasawi ng kanilang tauhan at dalawang Malaysian military.
“Sultan Kiram should stop putting the lives of his men and even his brother on the line for a cause that is better settled through calm and peaceful discussion and diplomacy,” giit ni Sarmiento.
Nakipanawagan na rin si Sarmiento para sa tigil-putukan upang makapag-isip aniya ang mga tagasuporta ng Kiram at ikunsidera ang mapayapang pagsuko o kusang pag-uwi sa Pilipinas.
“They will be slaughtered. There is no way that they can win this fight and we cannot blame the Malaysian government if they had do what they think is necessary.”
Marapat din aniyang panagutan ni Kiram ang mga naging aksyon nito upang maprotektahan ang kanilang mga tagasuporta.
Naniniwala rin si Sarmiento na marami pang buhay ang malalagas kapag meron pang nasawi sa magkabilang panig at kapag hindi nabigyan ng pagkakataon ang royal army na sumuko o makauwi dahil mangangahulugan ito ng pakikipagpatayan.
“More people will die if Sultan Kiram’s followers are not given the option to peacefully withdraw because they would have to recourse but to fight back with everything they have. Avoiding any bloodshed should be the priority off all sides involved in this standoff,” ani Sarmiento.