DEDBOL ang isang grade one pupil habang 23 pa ang isinugod sa ospital makaraang maaksidente ang truck na kanilang sinasakyan sa Barangay Pandanon, Don Savador Benedicto, Negros Occidental.
Sa report sa radyo, dead on arrival sa ospital si Gia Mae Montano, pitong taong gulang at residente ng Brgy. Busay, Bago City.
Batay sa paunang report, sakay ng truck na minamaneho ni Julibert Gonzales, 50-anyos, ang may 50 pasahero, Nabatid na galing sa isang kasalan sa bayan ng Calatrava at papauwi na sana sa Bago City nang mawalan ng preno.
Isinugod agad ang mga biktima sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival ang bata.
Sa ngayon ay nakapiit na ang truck driver habang ginagamot naman sa ospital ang mga nasugatan.