UMABOT na umano sa higit 60 katao ang namatay sa patuloy na tensyon sa Sabah.
Batay sa report na nakaposte sa The Star Online, kinumpirma ito ni Inspector-General of Police Tan Sri Ismail Omar ng Malaysia.
“As of now the death toll among the Sulu intruders stands at 52… at this point of time no further information can be given,” ayon kay Omar.
Kabilang sa naturang bilang ang pagkamatay ng 31 pang Pinoy sa panibagong engkuwentro sa Tanduo Village. Kasama rin sa naturang bilang ang walong miyembro ng Malaysian security force na namatay noong nakalipas na mga araw.
Samantala, nabatid na ang pagkalagas ng 31 Pinoy ang naitalang pinakamataas na bilang ng kaswalidad sa loob ng isang araw at sinasabi sa ulat na isang “high-ranking general” ang kasamang nasawi.
Gayunman, wala pa itong kumpirmasyon mula sa kampo ni Sulu Sultan Jamalul Kiram III.