PATULOY na nakikipagnegosasyon ang United Nations (UN) para sa pagpapalaya sa mga binihag na Pinoy peacekeeper.
Sa report sa radyo, tiniyak ni Spokesman Col. Arnulfo Burgos ng Armed Forces of the Philippines, na nasa mabuting kalagayan ang mga Pinoy peacekeeper.
Sinabi rin ni Burgos na hinihiling na lamang ngayon ng Syrian rebels na maialis ang mga tangke sa isang lugar at mapalayas ang tropa ng Syrian Arab forces.
Kaugnay nito, sa report sa telebisyon Huwebes ng gabi, sinabi ni Burgos na naipaalam na sa pamilya ng mga biktimang sundalo ang kanilang sinapit.
Sa ngayon tatlong pamilya na lang aniya ang hindi makontak ngunit tiniyak na nagpadala na ng emisaryo para maipaalam ang impormasyon.