KAUGNAY ng Makati City Hall Building 2 anomaly, pinatawan ng preventive suspension ng Office of the Ombudsman si Makati Mayor Junjun Binay.
Ayon sa Ombudsman, magiging epektibo ang kautusan sa loob ng anim na buwan habang gumugulong ang imbestigasyon sa naturang proyekto.
Bukod naman sa alkalde, ilan pang personalidad ang pansamantalang sinuspinde rin ng anti-graft court.
Pinagsusumite na rin ng Ombudsman si Binay at iba pa ng counter-affidavit sa reklamo.
Una nang inirekomenda ng Office of the Ombudsman-Special Panel of Investigators na isalang sa preliminary investigation sina dating Makati Mayor at ngayo’y Vice-President Jejomar Binay, anak nitong si Makati Mayor Junjun at 22 iba pa sa posibleng kaso ng graft at malversation kaugnay ng iregularidad sa pagpapatayo ng P2.2-bilyong Makati City parking building. ROBERT TICZON