HANDA nang tumanggap ng mga aplikasyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa issuance ng special permit sa Metro Manila buses na papasada sa mga probinsya ngayong Semana Santa.
Ayon kay LTFRB board member Ronaldo Corpus, ang special permit ay magiging epektibo mula March 29,2015 at magtatapos hanggang April 6,2015 kung saan magtatapos ang Holy Week.
Aniya, taunang nagkakaloob ang ahensiya ng special permit sa mga Metro Manila buses na nais bumiyahe sa mga probinsiya dahil sa dagsa ng mga pasahero na uuwi sa kani-kanilang destinasyon sa Mahal na Araw.
Nilinaw din ni Corpus na hindi kasamang bibigyan ng special permit ang mga pampasaherong bus na mahigit 10-taon na ang edad.
Tanging 25% lamang aniya ng kabuuang awtorisadong mga units ang maaaring mabigyan ng tyansa na makapasada sa labas ng Metro Manila.
Aabutin ng P170.00 kada bus unit ang bayad para sa aplikasyon ng special permit para sa Holy Week. SANTI CELARIO