Quantcast
Channel: NEWS Archives - REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Ex-San Miguel, Bulacan Mayor, hinatulan ng 16-taong kulong

$
0
0

HINATULAN kaninang umaga, Marso 13, Biyernes, ng 16-taong pagkakabilanggo ng Sandiganbayan si dating San Miguel Bulacan Mayor Edmundo Jose Buencamino matapos mapatunayang nagkasala ng dalawang kaso ng katiwalian na may kinalaman sa pagpapatupad ng “pass way fees” at pag-impound ng delivery trucks ng isang mining company noong 2004 ng nakalipas na taon.

Sa 27-pahinang desisyon na nilagdaan nina Sandiganbayan Associate Justice Napoleon Inoturan, guilty si Buencamino sa dalawang counts ng paglabag sa Section 3 (e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act (Republic Act No. 3019). Ang isang count ay may 8-taong parusang pagkabilanggo kay Buencamino.

Bukod sa pagkakabilanggo, hindi na rin pinapayagan si Buencamino na makapuwesto pa sa anomang tanggapan ng gobyerno.

“Buencamino imposed and collected payment for pass way fee knowing fully well that he is without authority of law, decree, ordinance or resolution to do so.”  Saad sa desisyon ng Sandiganbayan.

Ang pagkolekta umano ng pera dito ni Buencamino ay ipinatupad nito kahit walang ordinansa o resolusyon na naaprubahan ang Sangguniang Panlalawigan at hindi naire-remit ang kita rito sa local treasury.

“The act of imposing tax on a subject that is outside of the legal authority of a municipality as provided under the Local Government Code of 1991 and that it was made “without any legal basis but upon his whims and caprices,” ayon pa sa desisyon ng graft court. SANTI CELARIO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>