HANDA na ang pondo ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa pagbabago ng klima, ito ang ikinalugod kahapon ng World Bank.
Ayon kay World Bank leader for environment and natural resources, malaki ang naitulong ng DENR sa pagpormula sa program budget approach (PBA) o Risk Resiliency Program (RRP).
Ikinatuwa naman ito ni DENR Sec. Ramon J.P. Paje at sinabing handa silang makipagtulungan anomang oras dahil isa ang Pilipinas sa higit na tatamaan ng climate change.
Layon ng RRP na palakasin ang resiliency ng natural systems ng mga lungsod upang makaagapay sa pagbabago ng panahon.
Matatandaang ilang ulit hinagupit ng malalakas na bagyo ang Pilipinas noong mga nagdaang taon, kabilang na ang Typhoon Haiyan o Yolanda, na ikinamatay ng libo-libong katao sa Leyte.
Ang Pilipinas ay karaniwang dinadalaw ng hindi bababa sa 12 bagyo kada taon, kung saan kadalasang umaabot sa pagbaha maging sa mga siyudad at karatig-bayan.
Bagyong Yolanda ang itinuturing na pinakamalakas at pinakamatinding bagyong naranasan ng Pilipinas. NENET VILLAFANIA