Quantcast
Channel: NEWS Archives - REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Tsinoy patay sa holdap

$
0
0

PATAY ang isang Tsinoy na may-ari ng isang bar matapos holdapin at itali ang kamay at paa ng masking tape saka inilagay sa likod ng kanyang SUV kaninang madaling-araw sa Intramuros, Maynila.

Kinilala ang biktimang si Angel Dy, 59, may–ari ng Khaga Resto Bar at residente ng Apartment F. Evacon Building, Palatanag, Sucat, Parañaque City.

Sa ulat ni PO2 Dennis Turla, ng Manila Police District-homicide section, alas-3:40 ng madaling-araw nang matagpuan ng isang Valentino Abucay, 22, waiter, ang biktima sa passenger seat ng kanyang Montero SUV (TQV-527) na sa may P. Burgos St. Ermita, Maynila.

Sa impormasyong nakuha, ”routine” na umano ng biktima na sumilip sa kanyang bar araw-araw at pagkatapos ay aalis na ito at uuwi sa kanyang bahay.

“Sinabi nong waiter nakita sa ibaba ‘yong victim mga 7:30 ng gabi, tapos mga alas-3 ng madaling-araw, tumawag ‘yong misis na si Wan, at hinahanap ang kanyang mister sa kahera si Gigi kaya lumabas ‘yong waiter at doon nakita pa ‘yong sasakyan ng biktima at nang lapitan nakita ito sa passenger seat at hindi na raw gumagalaw, nakatali ang kamay at paa kaya tinawag nito ‘yong iba pa nilang kasamahan,” ayon kay Turla.

Ayon pa kay Turla, tinitingnan nilang anggulo ay holdap dahil nawawala ang clutch bag ng biktima at posibleng dahil sa takot ay inatake ito sa puso.

Wala namang nakitang sugat sa katawan ng biktima ang pulisya palatandaan na pinatay ito ng mga humoldap sa kanya.

Patuloy naman ang isinagasawang imbestigasyon ng pulisya sa krimen. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN / IVAN GADDIA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>