BLANGKO pa rin ang gobyerno hinggil sa lokasyon ng pitong Pilipinong dinukot sa Libya noong Pebrero 13 at Marso 6 ng taong kasalukuyan.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Albert del Rosario, nakipagpulong siya sa mga embahador ng Austria, Bangladesh at Czech Republic na may mga mamamayan ding dinukot sa Libya.
Napagkasunduan aniya na makikipag-ugnayan ang Pilipinas sa mga nasabing bansa at lilikha ng crisis team upang mapadali ang paghanap sa mga dinukot na biktima. JOHNNY ARASGA