DAHIL kursunadang-kursunada ng kanyang esposang si Jinkee, binili na ni eight-division boxing champion Manny Pacquiao ang mansion na dating pag-aari ni international superstar Jennifer Lopez o JLo sa Beverly Hills, California, USA.
Sa report, pagmamay-ari na ni Pacquiao ang nasabing 10,000 sq. ft. property na matatagpuan sa isang gated community sa Beverly Hills.
Napag-alamang nagbigay na ng downpayment si Pacquiao na nagkakahalaga ng $12-million o P500-million.
Una rito, kinumpirma ni Pacquiao na nagustuhan nito ang nasabing mansion lalo na ng kanyang misis na si Jinkee.
Ang pinakagusto ni Pacman ay dahil gated ang bahay at hindi basta-basta makakapunta ang mga tao.
Sa kabilang dako, hindi pa nagbibigay ng kanyang opisyal na pahayag si Pacquiao kaugnay sa pagbili nito ng nasabing mansion.
Kasalukuyang nasa Amerika si Pacquiao para sumailalim sa training bilang paghahanda sa kanyang laban kay Floyd Mayweather, Jr. sa Mayo 2. ROBERT TICZON