Quantcast
Channel: NEWS Archives - REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Mag-ama nagtagaan sa Friday the 13th

$
0
0

MINSAN pang napatunayan na malas ang numero trese lalo pa’t kung tumapat sa araw ng Biyernes o Friday the 13th.

Ito’y makaraang magtagaan ang isang mag-ama habang nag-iinuman sa Zamboanga City nitong nakaraang Biyernes ng gabi, Marso 13.

Kapwa nakaratay ngayon sa pagamutan sanhi ng taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mag-amang sina Rogelio dela Cruz, 57, at anak na si Jason, 24.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 9 p.m. sa bahay ng mag-ama sa Sitio Lubay, Bgy. Curuan, Zamboanga City.

Bago ito, nag-iinuman ang mag-ama sa kanilang bahay at nang malasing si Rogelio ay binugbog ang kanyang misis.

Tinangkang awatin ni Jason ang kanyang tatay pero tinaga siya nito.

Nang makita naman ito ng kapatid ni Jason na hindi nakuha ang pangalan, pinagtataga rin niya ang kanyang ama at saka tumakas. ROBERT TICZON


Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>