Quantcast
Channel: NEWS Archives - REMATE ONLINE
Viewing all 32938 articles
Browse latest View live

Nakakadiring litrato sa sigarilyo, inaprubahan na

$
0
0

INAPRUBAHAN na ng House committee on Health ang panukalang batas na nagsusulong na lagyan ng nakakadiring litrato ang mga pakete ng sigarilyo.

Ito’y upang mabawasan pa ang bilang ng mga naninigarilyo at ipamulat sa kanila ang masamang epekto nito sa kalusugan.

“While the approved version did not incorporate all the features we originally pushed for, this is still a firm step in the right direction and we are happy that the House Committee on Health was able to reach a consensus on this very important issue,” ayon kay Akbayan Rep. Barry Gutierrez.

Batay sa panukala ni Gutierrez kailangang 85-porsyento ng pakete ang sakop ng litrato na unang kinontra ng mga kompanya ng sigarilyo sa pagsasabing sapat na ang 30-porsyento.

Ngunit nagkasundo ang mga kongresista na gawing 40-porsyento ang laki ng litrato.

The post Nakakadiring litrato sa sigarilyo, inaprubahan na appeared first on Remate.


Malakanyang ipinalilinis ang hanay ng BuCor

$
0
0

IPINAG-UTOS ng Malakanyang sa pamunuan ng Bureau of Correction (BuCor) na linisin ang kanilang hanay upang matigil na ang iregularidad na nangyayari sa loob ng National Bilibid Prison (NBP).

Ang hakbang na ito ng Malakanyang ay bunsod ng napaulat na nakakalabas ang mga mayayamang bilanggo ng NPB para magpagamot sa pribadong hospital.

“Kaya dapat nililinis ang hanay nila para maputol ang irregularities,” ayon kay Press Sec. Herminio “Sonny” Coloma, Jr.

Hindi nagustuhan ng Malakanyang ang trato ng mga jail guards sa bilanggong si Ricardo Camata na na-confine sa Metropolitan Hospital dahil umano sa sakit sa baga.

Nagpahayag naman ng labis na pagkabahala si Coloma sa VIP treatment na ibinibigay ng mga jail guards sa mga bilanggo na nasangkot sa illegal na negosyo kahalintulad ng ipinagbabawal na gamot.

Kaya nga aniya kailangan lamang na linisin ng DoJ ang hanay ng BuCor.

Sa ulat, sinibak sa puwesto si New Bilibid Prison (NBP) Chief Fajardo Lansangan at 12 pang jail guards dahil sa kaso ni Camata na maraming naging bisita sa kanyang kuwarto sa Hospital kabilang na si Krista Miller at dalawa pang babae.

Sinasabing hindi man lamang inaalam ng mga jail guards kung sino ang mga bisita nito at hangganan ng oras ng pagdalaw dito.

“Dapat talaga ipatupad ang regulations. Puro against the regulations, eh. Sabi nga ni USEC Francisco Baraan III, nakita na hindi naman authorized, na labas na yata sa visiting (hour), labas na yata sa tagal, tapos hindi man lang nag-security check, ‘yun pa ‘yung Krista,” ang pahayag ni Sec. Coloma sabay sabing “So para bang napakaraming violation so dapat idisiplina, iinsist ang strict enforcement ng regulations.”

Samantala, hindi ito ang unang pagkakataon na binibigyan ng VIP treatment ng mga jail guard ang mga mayayamang bilanggo sa NBP tulad ng pagiging maluwag sa trato sa loob ng bilangguan, payagang magpagamot sa pribadong hospital kahit walang court order at iba pa.

The post Malakanyang ipinalilinis ang hanay ng BuCor appeared first on Remate.

No bail sa sekyu ng QC Hall of Justice

$
0
0

WALANG inirekomendang piyansa kanina ang Quezon City Prosecutors Office laban sa security guard ng Quezon City Hall of Justice matapos magbenta ng ebidensyang mga baril.

Hindi pinayagang makapagpiyansa ni Assistant Prosecutor Manuel Luis Felipe ang akusado na si Jic Muana Florentino, 33, ng 098 Pook dela Paz, Old Balara, QC at security guard ng Office of the Executive Judge Hall of Justice ng QC City Hall.

Ayon kay Fiscal Felipe, may probable cause para isampa ang kaso laban sa akusado dahil sa paglabag sa batas at walang inirekomendang piyansa para sa pansamantala nitong kalayaan.

Nabatid sa piskalya na nitong Mayo 30, 2014 ang akusado na si Florentino ay ninakaw at ibinenta ang isang .45 kalibre ng baril, 2 magazine at 50 bala nang walang ligal na kautusan mula sa mga awtoridad.

Ayon pa sa ulat na ang mga nawawalang mga baril na ninakaw ay mula sa Regional Trial Court (RTC) Branch 215 sa Hall of Justice Annex building.

Lumalabas na ilang ulit nang ginawa ang pagnanakaw sa mga ebidensya at sa tulong ng isang insider, nagawang maaresto ang suspek.

Kasalukuyan ngayong nakapiit ang akusado sa tanggapan ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at dinidinig ang kaso nito sa Quezon City Regional Trial Court Branch 90.

The post No bail sa sekyu ng QC Hall of Justice appeared first on Remate.

PNoy babawiin ang kinamkam na pera ni Napoles

$
0
0

DESIDIDO ang Malakanyang na bawiin mula kay pork barrel scam queen Janet Lim-Napoles ang P2 bilyon kickbacks sa pork scam sa pamamagitan ng ligal na paraan.

Sa isang panayam matapos ang Asia-Europe Meeting Manila Conference on Disaster Risk Reduction and Management, sa North Center Ballroom  Diamond Hotel, sinabi ni Pangulong Aquino na ire-recover ng pamahalaan ang lahat ng kinamkam ni Napoles mula sa gobyerno gamit ang pekeng NGOs.

Sa totoo lang aniya ay marami siyang inaasikasong problema ng bayan at ang pabago-bago aniyang kuwento ni Napoles, salaysay, at iba pa ay ipinaubaya na niya sa mga imbestigador na alamin ang katotohanan at hindi aniya ang pag-aksayahan ng panahon ang mga paraan na halos nasa haka-haka lang.

Sinupalpal din ni Pangulong Aquino si Novaliches Bishop Teodoro Bacani, Jr., na patuloy na nangungulit na sibakin na sa puwesto si Budget and Management Sec. Florencio “Butch” Abad matapos madawit ang pangalan sa pork scam.

“Judge not lest you be judged”, ayon kay Pangulong Aquino bilang resbak sa naging pahayag ni Bishop Bacani.

The post PNoy babawiin ang kinamkam na pera ni Napoles appeared first on Remate.

Anak ni Corona pinakakasuhan na ng DoJ

$
0
0

PINAKAKASUHAN na ng Department of Justice (DoJ) ng tax evasion ang anak ni dating Chief Justice Renato Corona na si Carla Castillo.

Batay sa 16-pahinang resolusyon na pirmado ni Prosecutor General Claro Arellano, may probable cause para isampa sa korte ang tax evasion laban kay Castillo.

Ayon sa DoJ, P228, 040 ang idineklarang income ni Carla noong 2008 at 2009.

Pero noong 2010 ay nakabili siya ng property sa La Vista, Quezon City na nagkakahalaga ng P18 million.

Kumbinsido ang DoJ na sinadya ni Carla na umiwas sa pagbabayad ng buwis noong 2010 makaraang mabigo na maghain ng kanyang ITR para sa nabanggit na taon.

Kasong paglabag sa Section 254 at 255 ng National Internal Revenue Code ang ipinasasampa ng DoJ laban kay Carla.

Ayon sa BIR, aabot sa P9.93 million ang kabuuang tax liability ni Carla.

The post Anak ni Corona pinakakasuhan na ng DoJ appeared first on Remate.

Jail guards i-drug test din – Sotto

$
0
0

ISALANG din sa drug test lahat ng jail guards ng Bureau of Corrections sa New Bilibid Prison ( NBP) sa Muntinlupa City.

Ito ang hamon ni Sen. Vicente Sotto III kasunod ng reports na tuloy pa rin ang iligal na aktibidades ng droga sa loob ng NBP maging ang iligal na transaksyon ng nakapiit na druglords dahil sa nakagagamit pa rin ng komunikasyon sa labas.

Inihayag ng solon na pinahihiram ng mga gwardiya sa high-profile prisoners ang kanilang cellphones.

Dahil dito, hiniling ng senador kay Justice Sec. Leila de Lima na ipagbawal ang pagdadala ng cellphone sa jail guards sa loob ng piitan.

Aniya, kung ipinatutupad na ito dapat na todo higpit ang implementasyon at parusahan ang jail guards na lalabag dito.

Kumpiyansa rin si Sotto na hindi maglalakas loob ang jail guards na ipahiram sa ilang druglords ang kanilang cellphones kung hindi rin ito nakikinabang sa iligal na transaksyon sa ipinagbabawal na droga.

Kinumpirma naman ni De Lima na nakikipag-coordinate na rin ito sa Philippine Drug Enforcement Agencies ( PDEA) at Philippine National Police (PNP) upang maimbestigahan ang posibleng pagkakasangkot ng ilang miyembro ng BC sa ipinagbabawal na gamot.

The post Jail guards i-drug test din – Sotto appeared first on Remate.

Van vs bisikleta: 1 patay, 1 sugatan

$
0
0

PATAY ang isang lalaki habang sugatan naman ang kaangkas niyang anak makaraang mabunggo ng van ang sinasakyan nilang bisikleta sa Quezon, Isabela.

Kinilala ang namatay na biktima na si Benito Joson, habang sugatan naman ang anak na si Jaypee Joson, 6, kapwa ng Barucboc, Quezon, Isabela.

Sa pagsisiyasat ng Quezon Police Station, binabagtas ng L-300 van na minamaneho ni Renato Encomienda, 22, ng Bugallion, Ramon,Isabela ang kahabaan ng pambansang lansangan sa nabanggit na lugar kasunod ang bisikleta ng mag-ama.

Tinangka ni Encomienda na agawin ang linya ng bisikleta ngunit kinapos sa pagtaya kung kaya nabunggo ang mga biktima.

The post Van vs bisikleta: 1 patay, 1 sugatan appeared first on Remate.

Sex workers sa Indonesia nagprotesta

$
0
0

NAGPROTESTA ang mahigit 1,000 sex workers sa Indonesia dahil sa planong pagpapasara sa red light district.

Napag-alamang balak ipasara ng bagong mayor doon ang nasabing district sa June 18.

Dahil dito, nagprotesta ang 1,200 night workers na nagtatrabaho sa Dolly district ng Surabaya.

Giit nila na ito lamang ang alam nilang trabaho para matustusan ang gastusin ng kanilang pamilya.

Nabatid na ang Dolly district ay iniwan ng mga awtoridad sa loob ng ilang dekada, ngunit binabantayan na ngayon dahil iligal na ang prostitution sa Indonesia.

The post Sex workers sa Indonesia nagprotesta appeared first on Remate.


Misis hinubaran ng mister na seloso sa palengke

$
0
0

TODO-TANGGI ngayon ang isang mister sa kanyang pananakit at pagpapahiya sa kanyang misis dala ng sobrang selos.

Nahaharap sa kaso ang suspek ng Dagupan matapos sikmuraan at hubaran ng pang-itaas na damit ang kanyang asawa sa harap ng maraming tao sa isang palengke matapos magtalo dahil sa sobrang selos.

Labis namang napahiya ang ginang sa sinapit sa asawa kaya desidido siyang ituloy ang kaso laban sa mister upang bigyan na rin ito ng leksyon.

Sa ngayon ay nakakulong na ang suspek habang inihahanda na ang kasong isasampa sa kanya.

The post Misis hinubaran ng mister na seloso sa palengke appeared first on Remate.

8 miyembro ng pamilya tiklo sa marijuana tiangge sa Caloocan

$
0
0

DAKIP ng awtoriad ang walong miyembro ng isang pamilya na nagpapatakbo ng marijuana tiangge sa Purok 1, Camarin, Caloocan City.

Ayon kay Police Chief Inspector Ronald Perilla, naaktuhang nagre-repack ng marijuana sa kanilang bahay na nagsisilbing tiangge ng marijuana ang pamilya na maaaring doon din gamitin ang biniling droga.

Karaniwang mga estudyante ang binebentahan ng marijuana dahil mas mura kumpara sa shabu.

Kabilang sa mga naaresto sina Rodito Arabia, Rosalie Arabia, Bernie Grande, Ernesto Vicio, Rochelle Arabia, Marivic Labajoy, Joseph Arabia at Cindy Periano.

Narekober ng Special Operations Unit ng Northern Police District (NPD) ang apat na bloke ng marijuana, tatlong sachet ng shabu, isang sumpak at anim na bala ng kalibre .38 na baril.

The post 8 miyembro ng pamilya tiklo sa marijuana tiangge sa Caloocan appeared first on Remate.

16 lagas sa sagupaan ng Abu Sayyaf at militar sa Sulu

$
0
0

PATAY ang isang sundalo at 15 miyembro ng Abu Sayyaf ang nalagas sa panibagong bakbakan sa Sulu.

Ayon kay Lt. Col. Ramon Zagala, Spokesman ng Armed Forces of the Philippines  (AFP), tinatangka ng ASG na bawiin ang kanilang kampo na nakubkob ng militar sa bayan ng Patikul.

Martes anya nang magsimula ang sagupaan na nag-iwan ng 19 sugatan sa panig ng tropa ng gobyerno.

Tinatayang 100 bandido sa pangunguna nina ASG Commanders Yasser Igasan, Idan Susukan, Ninok Sappari at Radullan Sahiron ang nakasagupa ng mahigit 200 sundalo sa Sitio Kan Jimao, Barangay Buhanginan.

Bagaman bahagyang humupa ang bakbakan noong Miyerkules, handa ang militar sa mga panibagong pagsalakay ng bandidong grupo.

The post 16 lagas sa sagupaan ng Abu Sayyaf at militar sa Sulu appeared first on Remate.

NPA na No. 7 most-wanted sa Bicol, timbog

$
0
0

NAARESTO sa isinagawang operasyon ng mga operatiba ng pulisya ang isang mataas na opisyal ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa lalawigan ng Masbate.

Kinilala ang naarestong rebelde na si Ronnel Arquillo alyas “Ka Hapon at Ka Noli”, 35, na itinuturing bilang No.7 most-wanted sa Bicol Region na may reward na P800,000.

Nadakip si Arquillo sa bahagi ng Brgy. Poblacion, Mobo, Masbate habang nagpapahinga sa safe house nito.

Maliban sa pagiging opisyal ng Executive Committee ng NPA Bicol Regional Party Committee, may kaso itong murder at attempted murder sa Daet, Camarines Norte.

The post NPA na No. 7 most-wanted sa Bicol, timbog appeared first on Remate.

Pulis tigbak sa riding-in-tandem sa Las Piñas

$
0
0

PATAY ang isang pulis matapos pagbabarilin ng kilabot na riding-in-tandem sa tapat ng Global Academy Culinary and Hospitality, Zapote Road, Las Piñas.

Nakilala ang biktima na si SP01 Lui Soledad, kontra sa mga hindi pa nakikilalang suspek.

Ayon sa mga nakasaksi, bigla na lamang umanong nilapitan ng dalawang lalaking nakasakay ng motorsiklo ang biktima at pinagbabaril.

Nakakuha ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng siyam na basyo ng kalibre 45 na baril sa pinangyarihan ng insidente.

Iniimbestigahan pa ng mga otoridad ang motibo sa krimen.

The post Pulis tigbak sa riding-in-tandem sa Las Piñas appeared first on Remate.

Barko ng Tsina, muling pinasok sa puder ng Japan

$
0
0

TILA nang-iinis at nakapasok na naman sa pinag-aagawan nilang teritoryo ng Japan sa East China Sea, ang mga barko ng China.

Ayon sa Japanese coast guard, dalawang barko ng Beijing ang pumasok sa 12-nautical mile band ng territorial waters sa paligid ng Senkaku Islands na kapwa inaangkin ng dalawang Asian power.

Ang dalawang barko ay namataan sa 27 kilometers west ng Uotsurijima, at pumasok sa teritoryo ng Japan, ayon sa isang opisyal ng Japan coast guard.

Ito na ang ika-13 beses na pumasok sa pinag-aagawang teritoryo ang mga Chinese vessels.

Ang hakbang ng China ay sa kabila ng babala ng G7 nations laban sa paggamit ng anomang pwersa sa territorial dispute sa East at South China Sea na sangkot ang Beijing.

The post Barko ng Tsina, muling pinasok sa puder ng Japan appeared first on Remate.

Kalihim ng DENR at DAR, pinasisibak

$
0
0

HINAMON ng grupo ng mga magsasaka si Pangulong Noynoy Aquino na sibakin na puwesto ang mga kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Agrarian Reform (DAR).

Ayon sa tagapagsalita ng Kilusan para sa Tunay na Repormang Agraryo at Katarungang Panlipunan- Quezon Jansept Geronimo, ito’y dahil sa kabiguan nina Secretary Virgilio delos Reyes at Secretary Ramon Paje na ipatupad ang Land Reform Program ng gobyerno.

Hinimok ng grupo na palitan ang naturang mga opisyal hindi lamang para magpatupad ng tuwid na daan kundi maging matapang at magkaroon ng sensiridad para sa tunay na reporma sa lupa.

The post Kalihim ng DENR at DAR, pinasisibak appeared first on Remate.


LPG refilling station na sumabog sa Ilocos Sur, isinara

$
0
0

KAILANGAN munang isailalim sa imbestigasyon ang LPG refilling gas station bago muling makapag-operate.

Pansamantalang isasara ang LPG refilling gas station sa Ilocos Sur matapos ang nangyaring pagsabog na ikinasunog ng katawan ng apat na biktima.

Ito’y ayon kay Bureau of Fire Protection (BFP) Chief ng Bantay, Ilocos Sur na si Eddie Tabuno.

Sinabi ni Tabuno, may mga makita silang pagbabago sa area na hindi dumaan sa kanilang tanggapan, gaya na lamang ng pag-a-upgrade sa lokasyon nito.

Bagama’t aksidente ang nakikita nilang inisyal na dahilan ng pagsabog, masusi pa rin nilang sisilipin ang ilang aspeto kung may pagkukulang ang gas refilling station.

Ang naturang pagsabog ay nagdulot ng malubhang pagkasunog sa katawan ng apat na tao sa Paing, Bantay, Ilocos Sur.

Kinilala ang mga biktima na sina Renato Paet, Moises Gadut, Pablo Bermudez, pawang nagtatrabaho sa Satrap habang ang isa ay nakilala lamang sa pangalan na Cesar Espiritu.

Ayon sa mga nakasaksi, ililipat sana ang malaking tangke ng gas gamit ang isang crane ngunit hindi makayanan ang bigat nito.

Gumapang ang apoy papunta sa mga biktima habang sila ay tumatakbo.

Sa ngayon, nagpapagaling na sa isang ospital sa San Fernando, La Union ang mga biktima dahil sa tinamong pagkasunog.

The post LPG refilling station na sumabog sa Ilocos Sur, isinara appeared first on Remate.

Revilla supporters, nag-vigil sa kanilang bahay

$
0
0

NAGSAGAWA ng isang vigil ang mga tagasuporta ni Sen. Bong Revilla kagabi hanggang kaninang madaling-araw, matapos itong kasuhan ng non-bailable na plunder dahil sa pork barrel fund scam.

Magugunitang maliban kay Revilla ay kinasuhan din sina Senate Minority leader Juan Ponce Enrile at Sen. Jingoy Estrada, kasama ang kanilang mga staff.

Para sa pamilya Revilla, hayagang panggigipit ito sa kanilang panig na bunga ng maagang pamumulitika.

Hindi naman nakarating ang senador sa programa dahil nakipagpulong umano ito sa kanyang legal team para sa magiging tugon sa aksyon ng Ombudsman.

Muli namang tiniyak ng Revilla camp na hindi ito tatakas at haharapin ang pag-aresto.

Ayon kay Cavite Rep. Lani Mercado, pinagpipilian na kung kusang magtutungo ang senador sa mga awtoridad o hihintayin na lang nito ang mga huhuli sa kanya.

Sa Lunes ay nakatakdang magbigay ng talumpati sa Senado si Revilla ngunit hindi na idinetalye ang magiging laman nito.

Kasabay nito, todo paghahanda rin sina Enrile at Estrada para hadlangan ang napipintong pag-aresto sa kanila dahil sa non-bailable case.

Pero para sa prosekusyon, matibay ang kanilang mga ebidensya laban sa mambabatas dahil suportado ng mga dokumento ang mga alegasyong nagkamal ito ng milyon-milyong kickback sa pork barrel scam.

Posibleng masuspinde ng 90 araw ang mga senador na sangkot sa pork barrel case kapag naglabas na ng warrant of arrest ang Sandiganbayan.

Ayon kay Senate President Franklin Drilon, layunin nitong mabigyan-daan ang proseso ng batas.

Muli namang hinimok ni Drilon ang Sandiganbayan at mga posibleng magsasagawa ng pag-aresto sa mga kasamahan niyang mambabatas na maging mahinahon at igalang ang kinabibilangang kapulungan ng naturang mga personalidad.

Naniniwala rin siyang tutuparin ng tatlo ang nauna nilang pangakong hindi nila tatakasan ang kasong inaakusa ng prosekusyon.

The post Revilla supporters, nag-vigil sa kanilang bahay appeared first on Remate.

2 miyembro ng BIFF, sugatan sa enkuwentro sa Maguindanao

$
0
0

NASUGATAN sa sagupaan ang dalawang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa pagitan ng 45th Infantry Battalion, Philippine Army, sa pangunguna ni Lt. Col. Donald Hongitan sa Datu Unsay, Maguidanao.

Ito’y kasunod ng nangyaring roadside explosion sa Sitio Kiamco, Brgy. Maitomaig, Datu Unsay, Maguindanao, na isang sundalo ang patay at tatlo pang kasama nito ay nasugatan.

Kaugnay nito, sinabi ni Col. Dickson Hermoso, spokesman ng 6th ID, Philippine Army, na posibleng may mga fatalities sa grupo ng BIFF matapos naman na gumamit ang mga sundalo ng artillery laban sa naturang grupo na tumakas patungo sa kagubatan.

The post 2 miyembro ng BIFF, sugatan sa enkuwentro sa Maguindanao appeared first on Remate.

54 miyembro ng NPA, nagbalik-loob sa pamahalaan

$
0
0

NAGBALIK-LOOB at kusang sumuko sa pamahalaan ang may 54 na miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA).

Mismong si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Emmanuel Bautista ang tumanggap sa mga nagbalik-loob na rebelde.

Ayon kay 4th Infantry Division Spokesperson Major Christian Uy, isinuko rin ng naturang mga rebele ang 52 matataas at mabababang uri ng baril.

Sinabi ni Uy na ang mga sumukong rebelde ay pinamumunuan ng isang Emboy Gayaw na mula sa guerilla front 32 na kumikilos sa bahagi ng Bukidnon, Davao at Agusan Provinces.

The post 54 miyembro ng NPA, nagbalik-loob sa pamahalaan appeared first on Remate.

Mayor sa Cebu aapela sa hatol na pagkakabilanggo

$
0
0

MAGHAHAIN ng apela sa Sandiganbayan ang alkalde ng bayan ng Aloguinsan, Cebu kaugnay sa ipinataw na parusang 12 taong pagkabilanggo sakasong graft and corruption.

Hindi inakala ng alkalde at pito pang opisyal matapos napatunayan ng Sandiganbayan 1st division na nagkasala sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act dahil sa maanomalyang pagbili ng aluminum composites noong 2007.

Ang mga hinatulan ay sina Mayor Cynthia Moreno, municipal civil registrar; Bids and Awards Committee (BAC) chairman Pepito Manguilimotan; municipal budget officer at BAC vice chairman Nonel Villegas; municipal agricultural officer Marilyn Flordeliza; BAC member Gertrudes Ababon; municipal assessor John Lim; municipal engineer, pangulo rin ng technical working group Orven Nengasca at BAC member Emilia Luz Celis.

Ayon kay Moreno, pulitika ang motibo kaugnay sa inilabas na desisyon sa pagsampa ng kaso ni ex-Councilor Felimon Georsua.

Kaugnay nito, may 15 araw sina Moreno at kasamahan na maghain ng apela at maghain ng P30,000 na itinakdang piyansa.

Kung maaalala, sinampahan ng kaso ang alkalde at pito pang opisyal matapos bumili ng aluminum composites na umabot sa P1,118,635 na hindi umano dumaan sa bidding.

The post Mayor sa Cebu aapela sa hatol na pagkakabilanggo appeared first on Remate.

Viewing all 32938 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>