MAGPAPADALA ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng dalawang labor officials na umasiste sa mga Pinoy overseas Filipino workers (OFW) na naiipit ngayon sa kaguluhan sa Libya.
“Labor Attache Nasser Mustafa and Welfare Officer Eduardo Mendoza, Jr. will augment the staff of the Philippine Overseas Labor Office in Tripoli,” ayon kay DOLE Secretary Rosalinda Baldoz.
Sina Mustafa at Mendoza ay kabilang sa ground team sa Libya na tumulong sa paglilikas at mga OFWs noong panahon ng krisis sa Libya noong 2011.
Sa report sa state-run Philippines News Agency sinabi ni Baldoz na, “Both will travel to Libya mainly to establish [a] network with OFWs and their employers, assess the actual peace and security situation, and recommend a plan of action to facilitate the evacuation of Filipinos when it becomes necessary”.
Sinabi naman ni Philippine Overseas Employment Administration head Hans Leo Cacdac, na siya ring namuno sa DOLE’s Libya Crisis Quick response team, na maraming OFWs ang nakadeploy sa Benghazi.
Magrerekomenda rin si Cacdac na magtalaga ng panibagong contingency team na binubuo nina Labor Attaches David Des Dicang, Jeffrey Cortazar, Nasser Munder at Ramon Tionloc at Overseas Workers Welfare Administration Director Albert Valenciano.
Iinspeksyonin nila ang posiblng exit points at transit countries upang matiyak ang kaligtasan ng mga OFWs sa actual evacuation.
Ayon pa kay Cacdac, nagtayo na rin ang DOLE ng command center na magmo-monitor sa sitwasyon sa Libya sa pamamagitan ng reports na nakukuha mula sa POLO sa tripoli mula sa mga news report at response team on site.
Sa ngayon, sinabi ni Baldoz na mino-monitor at ina-assess na ng Philippine Overseas Labor Office at Philippine Embassy ang sitwasyon sa Libya habang nagsasagawa ng kaukulang aksyon para sa seguridad at kaligtasan ng mga OFWs doon.
“The DOLE augmentation team should form part of the country’s Rapid Response Team (RRT) in Libya, together with the team from the Department of Foreign Affairs, under the one-country-team approach,” ayon pa kay Baldoz.
The post DOLE, magpapadala ng 2 opisyal sa Libya appeared first on Remate.