Quantcast
Channel: NEWS Archives - REMATE ONLINE
Viewing all 32938 articles
Browse latest View live

Chemical poisoning: 11 isinugod sa ospital sa Kyusi

$
0
0

Manila, Philippines – Isininugod sa ospital ang 11 indibidwal dulot umano ng chemical poisoning sa Quezon City, Linggo.

Ayon kay Dr. Sheryl Mendoza ng East Avenue Medical Center, dalawa sa mga biktima ang nasa kritikal na kondisyon.

Bago pa umano makaranas ng pagkahilo, aktong naglilinis ng imburnal ang mga biktima.

Sa ngayon ay nagsasagawa pa ng mga pagsusuri sa mga biktima para malaman anong kemikal ang nakalason sa kanila. Remate News Team|FGDC

The post Chemical poisoning: 11 isinugod sa ospital sa Kyusi appeared first on REMATE ONLINE.


Guidelines sa pagbebenta ng alcoholic beverage, inilabas ng FDA

$
0
0

Manila, Philippines – Nagpalabas ng mga gabay ang Food and Drug Administration (FDA) hinggil sa pagbebenta ng mga nakalalasing na inumin sa bansa.

Batay sa Circular No. 2019-006, inatasan ng FDA ang lahat ng food retailing stores na  ang lahat ng alcoholic beverages ay dapat na i-display lamang sa isang lugar at dapat na may nakalagay na karampatang signage.

“All alcoholic beverages, regardless of type of packaging, shall only be displayed in designated conspicuous area in all convenience stores, supermarkets, hypermarkets, groceries, and other food retailing stores with prominent signage ‘ALCOHOLIC BEVERAGES,’” nakasaad sa circular.

“Other beverages with alcohol regardless of level of alcohol content like alcopop (flavoured beverage with alcohol content) shall likewise be displayed in this same designated area. These beverages shall not be displayed together with other products like juice drinks and must not be accessible to children,” anito pa.

Nabatid na inisyu ng FDA ang guidelines upang protektahan ang mga consumers, partikular na ang mga menor de edad, bunsod na rin ng iba’t ibang inobasyon sa mga packaging at pagbebenta ng mga nakalalasing na inumin.

“Food packaging technology and market innovation concerning stand-up pouch, flexible, tetra pack, and similar packaging materials are now evolving in both the international and local market,” anang FDA.

Ayon sa FDA, ang mga promotional at advertising materials ng mga alcoholic beverages ay dapat ring malinaw na nagsasaad na ang kanilang produkto ay nagtataglay ng sangkap na alcohol.

Hindi rin dapat na ‘appealing’ o nakakatawag ng pansin sa mga bata ang packaging at labelling materials ng mga ito. 

“The FDA is enjoining all concerned, including local government units having jurisdiction on sari-sari stores, convenience stores, groceries, hypermarkets, supermarkets, and other similar food retailing stores to strictly implement guidelines,” anang ahensiya. 

Maging ang mga may-ari naman ng mga sari-sari store ay inaasahang tatalima sa itinatakdang guidelines ng FDA.

“Owners or operators of sari-sari stores which may not have enough space to designate an area for alcoholic beverages and other beverages with alcohol content shall be responsible to ensure that subject beverages are not sold to minors (below 18 years old),” dagdag ng FDA. Macs Borja

The post Guidelines sa pagbebenta ng alcoholic beverage, inilabas ng FDA appeared first on REMATE ONLINE.

Partial operation ng Cubao-Recto ngayong Lunes, Oct. 7, suspendido

$
0
0

Manila, Philippines – Inanunsyo ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na hindi pa rin nila maisasagawa ang partial commercial operation mula Cubao hanggang Recto ngayong Lunes, Oktubre 7 kaugnay ng nasunog na power rectifier sa may Anonas at Katipunan station noong Huwebes.

Sinabi ni LRTA Administrator Reynaldo Berroya na hindi pa pwedeng ikasa ang partial operation dahil hindi pa sila tapos sa test runs at safety checks.

“We cannot compromise the safety of everyone so we need to thoroughly check the integrity and stability of LRT 2 structures and equipment before we resume operations,” ani Berroya.

Sa isang panayam, isinaad naman ni LRTA Spokesperson Hernando Cabrera na layon nilang maipatupad ang partial operation  simula Martes, Oktubre 8.

Naglaan naman ang LRTA ng 30 Victory bus at 20 modern jeepneys na maghahatid sa mga pasahero papuntang Santolan hanggang Cubao at pabalik mula 5 a.m. hanggang 10:30 p.m. ng Lunes.

Patuloy naman ang Metro Manila Development Authority sa kanilang libreng sakay  mula 7 a.m. hanggang 7 p.m. araw-araw. Remate News Team|FGDC

The post Partial operation ng Cubao-Recto ngayong Lunes, Oct. 7, suspendido appeared first on REMATE ONLINE.

Dawit sa ‘illegal drug trade’, 2 kolonel at ‘di heneral – PDu30

$
0
0

Binawi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang nauna nitong pagbubunyag na mayroong dalawang heneral ang hanggang sa ngayon ay sangkot sa illegal drug trade.

Ani Pangulong Duterte walang heneral ang dawit sa ilegal na droga kundi mga Colonel lamang.

“Wala, walang generals. I’m sure of that. Sa aking report na dumating sa akin, wala. Parang — colonel I think.,” ayon kay Pangulong Duterte.

Ang pagbawi na ito ng Chief Executive ay may kaugnayan sa kontrobersiyal na drug recycling sa hanay ng kapulisan.

“Alam mo, I must admit my ignorance actually. Iyong ranggo kasi nung nauso ‘yang sup-sup, super intendent tapos kung ano-anong… Kaya sa panahon ko sabi ko bumalik kayo doon sa police colonel, police major, police lieutenant, kasi pati lahat ng tao nalilito ‘yang sup-sup na ‘yan. Superintendent pala ‘yan eh. Eh sa Bisaya ‘yang sup-sup is sucking — ice drops,” ang pahayag pa ng Pangulo.

Kung matatandaan, kamakailan lamang ay nagbigay ng clue si Pangulong Duterte kung sino ang 2 heneral na hanggang sa kasalukuyan ay sangkot sa illegal drug trade.

Hindi man pinangalanan nito subalit malinaw na ang 2 heneral na kanyang tinukoy sa Valdai Forum sa Russia ay mula sa Philippine National Police (PNP).

“He (Pres. Duterte) disclosed that there are two generals who are still involved in the illegal drug industry, he refers to the PNP generals who have been accused to have protected the ninja cops,” ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo.

Sa ngayon ay hihintayin muna ng Punong Ehekutibo ang rekumendasyon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo M. Año sa oras na matapos na nito ang kanyang internal investigation.

Nauna rito,ibinunyag ni Pangulong Duterte sa kaniyang pagbisita sa Russia na dalawang heneral ang may kaugnayan sa droga, kasabay ng umaandar na imbestigasyon laban sa mga ninja cops.

Sinabi ito ni Duterte nang tanungin siya tungkol sa foreign policy ng kaniyang administrasyon, kung saan sumentro ang Pangulo sa problema ng droga sa bansa.

“There are about again two generals who are still playing with drugs,” aniya sa plenaryo ng Valdai Forum sa Sochi kasama ang mga lider ng Russia, Jordan, Kazakhstan, at Azerbaijan.

Sa kabilang dalo, patuloy na minomonitor ni Pangulong Duterte ang mga kaganapan sa Pilipinas habang abala siya sa kanyang commitments sa Moscow at Sochi sa bansang Russia.

Ang matigas na posisyon ni Pangulong Duterte laban sa illegal drugs at mga taong pilit na sinisira ang bansa sa pamamagitan ng pagpapakalat ng ilegal na droga maging ang mga ito man ay nasa gobyerno o wala ay hindi kailanman mahihinto.

Sinabi ni Sec. Panelo na palagi naman aniyang binabanggit sa iba’t ibang okasyon ng Chief Executive na pagbabayaran ng mga ito ang kanilang mga ginawa na mas malala pa sa isang kriminal.

Dawit sa illegal drug trade, 2 kolonel at ‘di heneral – PDu30

Binawi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang nauna nitong pagbubunyag na mayroong dalawang heneral ang hanggang sa ngayon ay sangkot sa illegal drug trade.

Ani Pangulong Duterte walang heneral ang dawit sa ilegal na droga kundi mga Colonel lamang.

“Wala, walang generals. I’m sure of that. Sa aking report na dumating sa akin, wala. Parang — colonel I think.,” ayon kay Pangulong Duterte.

Ang pagbawi na ito ng Chief Executive ay may kaugnayan sa kontrobersiyal na drug recycling sa hanay ng kapulisan.

“Alam mo, I must admit my ignorance actually. Iyong ranggo kasi nung nauso ‘yang sup-sup, super intendent tapos kung ano-anong… Kaya sa panahon ko sabi ko bumalik kayo doon sa police colonel, police major, police lieutenant, kasi pati lahat ng tao nalilito ‘yang sup-sup na ‘yan. Superintendent pala ‘yan eh. Eh sa Bisaya ‘yang sup-sup is sucking — ice drops,” ang pahayag pa ng Pangulo.

Kung matatandaan, kamakailan lamang ay nagbigay ng clue si Pangulong Duterte kung sino ang 2 heneral na hanggang sa kasalukuyan ay sangkot sa illegal drug trade.

Hindi man pinangalanan nito subalit malinaw na ang 2 heneral na kanyang tinukoy sa Valdai Forum sa Russia ay mula sa Philippine National Police (PNP).

“He (Pres. Duterte) disclosed that there are two generals who are still involved in the illegal drug industry, he refers to the PNP generals who have been accused to have protected the ninja cops,” ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo.

Sa ngayon ay hihintayin muna ng Punong Ehekutibo ang rekumendasyon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo M. Año sa oras na matapos na nito ang kanyang internal investigation.

Nauna rito,ibinunyag ni Pangulong Duterte sa kaniyang pagbisita sa Russia na dalawang heneral ang may kaugnayan sa droga, kasabay ng umaandar na imbestigasyon laban sa mga ninja cops.

Sinabi ito ni Duterte nang tanungin siya tungkol sa foreign policy ng kaniyang administrasyon, kung saan sumentro ang Pangulo sa problema ng droga sa bansa.

“There are about again two generals who are still playing with drugs,” aniya sa plenaryo ng Valdai Forum sa Sochi kasama ang mga lider ng Russia, Jordan, Kazakhstan, at Azerbaijan.

Sa kabilang dalo, patuloy na minomonitor ni Pangulong Duterte ang mga kaganapan sa Pilipinas habang abala siya sa kanyang commitments sa Moscow at Sochi sa bansang Russia.

Ang matigas na posisyon ni Pangulong Duterte laban sa illegal drugs at mga taong pilit na sinisira ang bansa sa pamamagitan ng pagpapakalat ng ilegal na droga maging ang mga ito man ay nasa gobyerno o wala ay hindi kailanman mahihinto.

Sinabi ni Sec. Panelo na palagi naman aniyang binabanggit sa iba’t ibang okasyon ng Chief Executive na pagbabayaran ng mga ito ang kanilang mga ginawa na mas malala pa sa isang kriminal.

Sa kabilang dako, hahayaan naman ng Pangulo na gawin at tapusin ng Kongreso ang kanilang imbestigasyon “in aid of legislation” bago pa gumawa ng kahit na anumang pormal na hakbang sa isyu ng mga ninja cops. Kris Jose

Sa kabilang dako, hahayaan naman ng Pangulo na gawin at tapusin ng Kongreso ang kanilang imbestigasyon “in aid of legislation” bago pa gumawa ng kahit na anumang pormal na hakbang sa isyu ng mga ninja cops. Kris Jose

The post Dawit sa ‘illegal drug trade’, 2 kolonel at ‘di heneral – PDu30 appeared first on REMATE ONLINE.

Sundalo sa Marawi, patay sa pamamaril

$
0
0

Marawi – Patay ang isang sundalo matapos barilin ng hindi pa nakikilalang indibidwal sa Marawi City noong Linggo, ayon sa Philippine Army.

Saad ng mga awtoridad, .45 pistol ang ginamit sa pagpatay kay Staff Sergeant Paul S. Polines ng 553rd Engineer Battalion bandang 2:30 p.m. sa Barangay Basak Malutlut.

Agad itong naisugod sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival. 

Sa ngayon ay iniimbestigahan na ng Marawi police atArmy’s 103rd Brigade ang insidente. Remate News Team|FGDC

The post Sundalo sa Marawi, patay sa pamamaril appeared first on REMATE ONLINE.

Lolo sa Taiwan, gumagamit ng 45 smartphone para sa Pokemon Go

$
0
0

Taiwan – Dinagdagan na ni ASUS brand ambassador Chen San Yuan, 70-anyos ang mga smartphone na nakalagay sa kanyang bisikleta sa paglalaro ng Pokemon Go.

Matapos nga ang walong taon, mula sa 30 smartphone ay mayroon na siyang 45 smartphone na ginagamit sa paglalaro.

Ito ang kanyang ipinakita at ibinahagi sa Pokemon Go Safari Zone News Taiperi City.

Pumukaw naman sa atensyon ng nakararami ang naturang set-up ni Mr. Chen. Remate News Team|FGDC

The post Lolo sa Taiwan, gumagamit ng 45 smartphone para sa Pokemon Go appeared first on REMATE ONLINE.

Loan program ng SSS, mas pinalawig

$
0
0

Manila, Philippines – Pinalawig ng Social Security System (SSS) ang kanilang pension loan program kung saan maaari na umanong manghiram ang mga pensiyonando ng hanggang P200,000.

Inilunsad noong Sabado ng insurance firm ang enhanced pension loan program, kung saan mas mataas na ang pwedeng hiramin ng mga miyembro.

“‘Yong P32,000 na maximum pension loan, tinaas na namin sa P200,000,” paliwanag ni Rizaldy Capulong, executive vice president for investments sector ng SSS.

“Saka dati po, ‘yong puwedeng bayaran ng isang taon, puwede nang bayaran ngayon ng 24 months o 2 years,” dagdag ni Capulong.

Itinaas na rin ng ahensya sa 85-anyos ang pinakamatandang pensioner na maaaring makahiram.

Epektibo ang panghihiram ng mga miyembro ng SSS susunod na linggo. Remate News Team|FGDC

The post Loan program ng SSS, mas pinalawig appeared first on REMATE ONLINE.

Dagdag sweldo sa mga public teachers, matatanggap ngayong taon

$
0
0

Manila, Philippines – Ibibigay na ang dagdag sahod ng mga guro sa pampublikong paaralan ngayong taon, ayon kay President Rodrigo Duterte.

“If I give you the timeline, tapos I could not make it on the deadline, I have to explain more than what is expected of the government. Mas mabuti na ‘yang nandiyan na, sinasabi ko, nandiyan na ‘yan,” paliwanag pa ng Pangulo.

“Basta sinasabi ko, may increase din sila. That I’m very sure of,” dagdag pa nito.

Sa pagsisimula ng taong 2019, ipinangako ni Pangulong Duterte ang naturang dagdag sweldo. Remate News Team|FGDC

The post Dagdag sweldo sa mga public teachers, matatanggap ngayong taon appeared first on REMATE ONLINE.


Iranian IG star, inaresto dahil sa ‘blasphemy’

$
0
0

Iran – Inaresto ang Iranian Instagram star na si Sahar Tabar na nakilala bilang  ‘zombie-version’ ng US actress na si Angelina Jolie.

Batay sa mga report, inaresto si Sahar para sa krimeng ‘blasphemy’ at ’instigating violence’.

Inaresto siya ng judicial authorities matapos siya ireklamo ng publiko.

Inakusahan siya ng paglalapastangan sa Diyos, pag-uudyok ng karahasan, iligal na pagkuha ng property, pang-iinsulto sa dress code ng Iran at panghihimok sa mga kabataan na gumawa ng korupsyon.

Isa lamang si Sahar sa ahabang listahan ng mga online Iranian influencers at fashion bloggers na lumabag ng batas.

Bagama’t sabi-sabi na sumailalim na si Sahar sa halos 50 plastic surgeries, karamihan sa kanyang litrato at posts ay in-edit ng sobra.

Nakuha ng 22-anyos na IG star ang global media attention dahil sa mga litrato at video niyang kawangis o katulad ng isang ‘zombie-version ni Angelina Jolie.

With sunken cheeks, a massively plumped up smile and a cartoonishly turned-up nose, she has caused concern over the dozens of cosmetic surgeries she said she had undertaken to resemble the American star.” ayon pa sa isang pahayag.

Binura na ang account ni Sahar mula sa Instagram. Remate News Team|CSEF

The post Iranian IG star, inaresto dahil sa ‘blasphemy’ appeared first on REMATE ONLINE.

P54M iligal na droga nasabat sa Indonesian nat’l sa NAIA 3

$
0
0

Manila, Philippines – Nasabat ang nasa P54 milyong halaga ng iligal na droga mula sa isang babaeng Indonesian passenger Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Nasa 8 kilo ng shabu ang narekober sa suspek na nagmula sa Siem Reap, Cambodia.

Nakipag-ugnayan na ang Bureau of Customs sa Philippine Drug Enforcement Agency para sa nasabat na kontrabando. Remate News Team|FGDC

The post P54M iligal na droga nasabat sa Indonesian nat’l sa NAIA 3 appeared first on REMATE ONLINE.

Albayalde sa kontrobersya: Wala pong naipalabas na ebidensya

$
0
0

Manila, Philippines – Nanindigan si Philippine National Police (PNP) chief Police General Oscar Albayalde na walang ebidensya ang maggigiiit sa kanya na sangkot siya sa umano’y drug recycling scheme.

“Wala pong naipalabas na ebidensya o sino mang nagsabi that would corroborate a single person’s allegation,” pahayag ni Albayalde.

“Kayo na po ang magsabi kung meron ba o wala… ni isa na proof wala,” dagdag pa nito.

Sinabi naman ni President Rodrigo Duterte na kailangan niya ng magpapatunay sa mga alegasyon laban kay Albayalde.

Pinasalamatan naman ito ni Albayalde para sa patuloy na pagtitiwala.

“Let me express my deepest gratitude even as I profess my continued faithful service to our country and people,” saad ni Albayalde.

Nakatakdang magretiro si Albayalde sa darating na Nobyembre 8. Remate News Team|FGDC

The post Albayalde sa kontrobersya: Wala pong naipalabas na ebidensya appeared first on REMATE ONLINE.

Angkas driver arestado matapos molestiyahin ang pasahero

$
0
0

Manila, Philippines – Tiklo ang isang Angkas driver matapos umano molestiyahin ang kanyang babaeng pasahero noong Sabado sa Quezon City.

Sa pahayag ng biktimang kinilalang alyas Fianne, galing siya sa inuman sa bahay ng isang kaibigan sa Project 6, QC at nag-book pauwi sa Eastwood.

Kwento pa nito, sa halip na agad ihatid sa bahay, pinaikot-ikot daw siya ng driver sa Katipunan at CP Garcia. 

Hinawakan ng driver ang maseselang bahagi ng katawan ni Fianne habang ilang beses silang huminto sa mga madidilim na bahagi ng kalsada.

Agad naman sumigaw ang biktima pagkakita sa tanod ng barangay.

Naaresto ang drayber at i-tinurn-over ng barangay sa Anonas Police Station. Remate News Team|FGDC

The post Angkas driver arestado matapos molestiyahin ang pasahero appeared first on REMATE ONLINE.

P1M pabuya ipinatong vs. kidnapping sa Briton, Pinay sa Zambo del Sur

$
0
0

Pagadian City, Zamboanga Del Sur – Nag-alok ng pabuya si  Zamboanga del Sur Governor Victor Yu na P1-milyon para sa kung sino mang makakapagbigay ng impormasyon tungkol sa identity at lokasyon ng mga kumidnap at sa mga kinidnap nitong mag-asawang Briton at Pinay  sa bayan ng Tukuran, Biyernes ng gabi. 

Ipinahayag ni Yu na ang nasabing pabuya ay makakapagpabilis sa pagre-rescue ng mga na-kidnap na biktima.

Humingi ng tulong si Yu sa publiko na i-report ang kahit anong impormasyon kaugnay ng insidente sa provincial information office sa kanilang phone number na 09098947989.

Dinampot ang isang British national na si Allan Arthur Hyrons, 70, at ang Pinay na asawa nitong si Wilma Paglinawan Hyrons, ng apat na armadong lalaki noong Biyernes dakong alas-siete ng gabi sa kanilang beach resort sa Barangay Alindahaw.

Hindi pa rin natutunton kung saan dinala ang mga biktima. Remate News Team|CSEF

The post P1M pabuya ipinatong vs. kidnapping sa Briton, Pinay sa Zambo del Sur appeared first on REMATE ONLINE.

ACT, ‘di nasiyahan sa pinangakong pay hike ng pangulo

$
0
0

Manila, Philippines – Hindi nasiyahan ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa pahayag ni Presidente Rodrigo Duterte kamakailan ukol sa ipinangakong salary hike ng mga guro.

Ayon sa ACT, ang pangako ni Duterte ay hindi makakapagpalubag sa “growing restlessness of teachers the lack of a substantial pay hike.”

“Aside from clarity, seeing as how he had media reports confused with the vague mention of a ’35 or more’ figure for the pay hike, what we need from the President is not another empty promise but a concrete, clear-cut, and tangible measure with a definite timeline for a substantial increase for teachers and all other civilian employees,” ani ACT national chairperson Joselyn Martinez.

Sinabi ni Duterte sa isang press conference sa Davao City pagkarating nito galing Russia, pagdidiskusyonan nila ang 35% na increase o mas malaki pa sa sahod ng mga guro.

Gayunman, sinabi ng pangulo na hindi pa siya makakapagbigay ng timeline para sa pay hike.

“35% is not enough to allow us a decent living and dignify our profession. It certainly will not placate teachers who have been reasonably restless in the demand for the Duterte administration to grant us a 30K basic pay.” ani Martinez.

Binanggit ng ACT na ang tanging pruweba ng parating na pay hike ay ang House-approved 2020 budget na nag-allot ng P31 bilyon na dadag sweldo sa 1.5 milyong government employees.

Sinabi ng grupo na ang budget na ito ay kaya lamang magbigay ng raise na hindi aangat ng P2,000 kada buwan.

“This amount falls closer to some media reports of the announcement that a 35 percent increase is coming for teachers,” sabi ng ACT. Remate News Team|CSEF

The post ACT, ‘di nasiyahan sa pinangakong pay hike ng pangulo appeared first on REMATE ONLINE.

Metro Manila dumaranas ng ‘mass transport crisis’ – Bayan

$
0
0

Manila, Philippines – Nakararanas umano ang Metro Manila ng ‘mass transport crisis’ matapos ang sunog na naganap sa bahagi ng LRT-2.

Ayon sa Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), walang sapat na tren ang mga commuters patungong trabaho at papasok sa paaralan.


“We have a mass transport crisis. Of the limited trains that we do have, all three suffered glitches last week. The LRT 1, LRT 2 and MRT 3 all experienced technical issues that disrupted operations,” pahayag ni Bayan Secretary-General Renato Reyes.

“I cannot remember a time when all three had glitches in the same week,” dagdag pa nito.

Maaalalang noong Miyerkoles ay nagkaaberya sa LRT-2 kung saan nasunog ang power rectifier na naging dahilan naman para matigil ang biyahe at operasyon ng ilang istasyon. Remate News Team|FGDC

The post Metro Manila dumaranas ng ‘mass transport crisis’ – Bayan appeared first on REMATE ONLINE.


Mabagal na pamamahagi ng lupang sakahan ng DAR, binira ng mga magsasaka

$
0
0

Manila, Philippines – Binira ng grupong Task Force Mapalad (TFM) ang mabagal na pamamahagi ng lupa ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa programa nitong Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) sa mga magsasaka at sinabing pinakamabagal ito sa kasaysayan ng pamamahagi ng lupa sa agrarian reform ng kasalukuyan administrasyon.

Ayon kay Lanie Factor national deputy coordinator ng Task Force Mapalad (TFM) samahan ng mga magsasaka sa Negros sa kasaysayan ng agrarian reform ang kasalukuyan administrasyon ng DAR ang pinakamatagal sa pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka.

Ginawa ni Factor ang pahayag sa kanilang isinagawang kilos protesta ng 4,000 magsasaka sa Negros Occidental na nagsagawa ng protesta sa MassKara Festival’s para kondenahin ang mabagal na pamamahagi ng lupa ng DAR sa mga walang lupang magsasaka hindi lamang sa naturang lalawigan maging sa buong bansa.

Nauna rito ayon sa TFM kahit iniutos na ni Pangulong Duterte kay DAR Secretary John Castriciones ang mabilis na pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka bigo pa rin ang huli na mabilis na pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka.

Nilahukan ang kilos protesta ng mga magsasaka mula sa Negros-Panay Chapter ng national peasant Federation Task Force Mapalad para ipaalala sa kasalukuyan administrasyon ang pamamahagi sa 521,000 ektaryang lupang agricultural landholding sa buong bansa.

Idinagdag pa ni Factor na 20 percent lamang umano ng lupa na dapat na ipamahagi ng DAR ay mula sa Negros Occidental ang naisasakatuparan at kalakhan pa nito ay hindi pa naipapamahagi.

Idinagdag pa ng grupo ng TFM na sa kasalukuyan ang naipapamahagi pa lamang ng DAR sa mga CARP beneficiaries ay tinatayang aabot sa 30,000 ektarya pa lamang sa taong 2016 hanggang 2018 pinakamababa sa naabot ng DAR na accomplishment ng anim (6) na administrasyon para sa mandato sa pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka. Santi Celario

The post Mabagal na pamamahagi ng lupang sakahan ng DAR, binira ng mga magsasaka appeared first on REMATE ONLINE.

Mataas na approval rating ni Cayetano, ikinatuwa ng Kamara

$
0
0

Manila, Philippines – Ikinalugod ng mga mambabatas ang nakuhang 64% na approval dating ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa pinakahuling survey ng Pulse Asia na patunay umano na masaya ang publiko sa trabaho ng kasalukyang liderato ng House of Representatives.

Ayon kay House Majority Leader Martin Romualdez ang mataas na rating ay kasiyahan ng buong Kamara dahil nagbunga ang pagdodoble-kayod sa trabaho ng kapulungan sa nakalipas na 3 buwan.

“This is the first time that Speaker Cayetano has been rated by the Filipino people through the Pulse Asia’s Ulat sa Bayan survey, and we are collectively proud of our leader’s exemplary trust and approval rating. Truly, nothing warms the heart of public servants more than the appreciation of our constituents”pahayag ni Romualdez.

Makakaasa umano ang taumbayan na pagbubutihan pa ng Kamara ang trabaho nito.

” The trust and approval extended by our countrymen to Speaker Cayetano will definitely prompt all of us in the House of Representatives to work harder in the legislative mill in the days to come”dagdag pa nito.

Hindi naman na nagtaka si House Deputy Speaker Mikee Romero sa mataas na rating na nakuha ni Cayetano,aniya, angkin ng huli ang katangian ng magaling na lider.

“He truly deserved the trust of our people. We, the 52 members and officers of the Partylist Coalition Foundation Inc., – draw inspiration from what the Speaker has done and has been doing for our nation”pagtatapos pa ni Romero. GAIL MENDOZA

The post Mataas na approval rating ni Cayetano, ikinatuwa ng Kamara appeared first on REMATE ONLINE.

Albayalde, nag-alok ng tulong kay Magalong vs. mga banta

$
0
0

Manila, Philippines – Ipinahayag ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Oscar Albayalde nitong Lunes na pwede siyang hingan ng tulong ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong kung kinakailangan nito ng permanent security dahil sa mga threats na natatanggap nito.


Sa isang press conference sa Camp Vicente Lim sa Calamba, Laguna, hiningian ng komento si Albayalde tungkol sa hinaing ni Magalong, pati ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) chief Aaron Aquino na nakakatanggap sila ng death threats sa gitna ng ‘ninja cops’ issue.


“If he (Magalong) needs a permanent or a regular security, then he can always write us or always even direct ‘yung kaniyang request directly to me or to the PSPG so that he will be given a permanent security na entitled naman po siya and anybody else for that matter na meron pong death threats sa kanilang buhay,” ani Albayalde.


Sinabi rin ng PNP chief na wala itong nakikitang problema dahil may full control at supervision si Magalong sa Baguio City Police Office.


Sa panig naman ni Aquino, kinumpirma ni Albayalde na dinirekta niya ang chief of the Police Regional Office 3 na ibalik lahat ng security personnel ng PDEA chief.


“In fairness and in the name of justice, pinabalik ko lahat ‘yung request ni DG Aquino lahat ng security niya… para po mawala ‘yung ganyang tinatanong sa akin,” ani Albayalde.


Ipinahayag din ni Albayalde na nagkataon lang na ni-recall ang security ni Aquino matapos ang rebelasyon sa drug recycling scheme.


Sinabi niyang para daw iyon sa preparasyon sa Southeast Asian (SEA) games.


Isiniwalat ni Aquino at ni Magalong na nakakatanggap ang pamilya nia ng mga threat matapos ang pagtetestimonya nila sa senate hearing sa umanong drug recycling ng mga law enforcement official.


Binalaan ni Magalong na ang mga nananakot sakanya at sa kanyang pamilya ay dapat siguraduhing hindi siya makakaligtas.


“Wala lang galawan ng pamilya. O kaya they just have to make sure na kung may ginawa sila sa akin, I will not survive. Otherwise, all hell will break loose,” ani Magalong. Remate News Team|CSEF

The post Albayalde, nag-alok ng tulong kay Magalong vs. mga banta appeared first on REMATE ONLINE.

Kelot, balik-kulungan sa P140K shabu

$
0
0

.
Davao City – Timbog at balik-kulungan ang isang lalaki sa isang buy-bust operation sa Davao City kung saan nasabat din ang nasa 140,000 halaga ng hinihinalang shabu.

Nahuli sa buy-bust operation na isinagawa sa isang inn nitong Lunes ng madaling araw si alyas ‘Botchok’ na dati na ding naaresto dahil sa ilegal na droga, at ang parokyano nitong si alyas ‘Allan’.

Halos 20 sachet ang nasabat na hinihinalang shabu mula sa mga suspek.
Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad, galing Maguindanao ang suplay ng droga.

Nahaharap ang mga suspek sa kason paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Remate News Team|CSEF

The post Kelot, balik-kulungan sa P140K shabu appeared first on REMATE ONLINE.

1 patay, 1 sugatan sa shootout sa Marikina; Pulis, inagawan umano ng armas

$
0
0

Marikina City – Napaslang ang isang lalaki habang sugatan naman ang kaibigan nito matapos umano silang mabaril ng pulis sa Marikina City.


Ayon kay Police Col. Restituto Arcangel, hepe ng Marikina police, dawit sa holdapan ang dalawa at nakipag-agawan pa ito ng baril sa pulis kaya nagkabarilan.

Sa kuwento naman ni Lauro Lagarde, sa isang panayam na katatapos lamang nilang maglaro ng basketball noong Sabado nang lapitan sila ng pulis at pinaghinalaang mga adik.


Bumunot umano ng baril ang pulis at pinaputukan ang magkakaibigan ayon kay Legarde na dinala sa ospital matapos matamaan ng bala sa tiyan.


Kinilala naman ang natamaan ng bala sa ulo at namatay na kaibigan ni Lagarde na si Kim Ramos, isang constructinon worker.


Ayon naman kay Arcangel, sinita ng pulisya ang magkakaibigan na nasa madilim na lugar, sinita niya ito ngunit umalis din dahil wala naman daw itong nakitang kahina-hinala sa mga magkakaibigan.


Ngunit hinabol daw siya ng mga ito at inagawan ng baril kaya nagkaputukan.


Hindi na nakilala ng Marikina police ang 2 kasamahan ni Lagarde at Ramos na nakatakas.


Kinasuhan ng Marikina Police si Lagarde at ikukulong pagkalabas ng ospital. Remate News Team|CSEF

The post 1 patay, 1 sugatan sa shootout sa Marikina; Pulis, inagawan umano ng armas appeared first on REMATE ONLINE.

Viewing all 32938 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>