SAMPUNG oras na mawawalan ng suplay ng kuryente ang ilang bahagi ng Pangasinan bukas (Marso 11), partikular na ang mga sineserbisyuhan ng Central Pangasinan Electric Cooperative, Inc. (CENPELCO).
Ang naturang abiso ay inilabas ng pamunuan ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) kung saan 10-oras mawawalan ng kuryente ang nasabing lalawigan na magsisimula alas-7 ng umaga at inaasahang ibabalik pagsapit ng alas-5 ng hapon.
Sa ulat ng NGCP, kabilang sa mga lugar na maaapetukhan ay ang bayan ng Malasigui, San Carlos City, Binmaley, Lingayen, Bugallon, Aguilar, Mangatarem, Urbiztondo at bahagi ng Basista, Pangasinan.
Ayon sa NGCP, ang dahilan ng pagkawala ng suplay ng kuryente ay ang annual Preventive Maintenance at Testing ng 50MVA power transformer sa Labrador Subtations.
Pinayuhan ng NGCP ang mga consumer na paghandaan ang inaasahang nasabing power interruption gayundin ang karagdagang pag-iingat bukod pa sa mahabang pagbibigay ng pasensya. JAY REYES