LIMANG taxi operator ang pinagpapaliwanag ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) na napatunayang hindi sumunod sa kautusan ng ahensiya hinggil sa P10 pagbaba sa flagdown rate ng naturang sasakyan.
Ayon kay LTFRB Chairman Winston Ginez, padadalhan ng ahensiya ng show cause order ang naturang mga taxi operators upang magpaliwanag kaugnay ng pag-isnab sa P10 bawas sa flag-down rate ng taxi nationwide.
Aniya, ginawa ang hakbang bunga na rin ng pagdagsa ng mga reklamo sa kanilang twitter account kaugnay ng bawas-pasahe sa taxi.
Sinasabing ang mga naireklamo sa ‘di nagbawas ng pasahes sa taxi ay ang Yellow dragon taxi, Tuasco taxi, Nine star taxi at ang dalawang taxi na may plakang TYV 299 at AYS 494.
Habang pinagpapaliwanag ang taxi operators ng naturang mga sasakyan ay inutos na ni Ginez ang pagsuspinde sa lisensya ng mga driver nito at pag-grounded ng taxi unit na inereklamo. SANTI CELARIO