PINAL nang nagpasya ang Korte Suprema na dapat nang umalis sa Pandacan ang mga oil depot ng mga kumpanya.
Sa deliberasyon ng Korte Suprema, ibinasura nito ang motion-for-reconsideration na inihain ng ilang oil company laban sa naging desisyon ng hukuman noong Nobyembre ng taong 2014.
Pinagtibay ng Korte Suprema ang nauna nitong desisyon na nagdedeklarang unconstitutional ang Ordinance Number 8187 ng City of Manila na nagpapahintulot ng patuloy na pananatili ng Pandacan Oil Terminals.
Ang Ordinance 8187 ay naipasa at ipinatupad nuong 2009 na nagre-reclassify sa 33-ektaryang lupain sa Pandacan bilang heavy industrial zone.
Ang kaso laban sa Pandacan Oil Depot ay inihain ng Social Justice Society.
Nabatid na mayroon pang pasilidad sa Pandacan ang Shell at Petron. TERESA TAVARES