Quantcast
Channel: NEWS Archives - REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

39,000 mga guro walang trabaho sa K-12

$
0
0

AABOT sa 39,000 na mga guro ang mawawalan ng trabaho dahil sa K-12.

Inamin ito ni Sec. Armin Luistro ng Department of Education (DepEd) sa ginanap na K-12 Forum ng House Committee on Basic Education at House Committee on Higher and Technical Education.

Aniya, ganito ang magiging worst scenario kung hindi magtatayo ng senior high school ang mga pribadong educational institutions.

Sa kabuuang 39,000 ay 14,000 faculty ang mawawalan ng trabaho sa unang taon ng implementasyon ng K-12.

Ngunit ipinaliwanag ni Luistro na hindi ito dapat pangambahan dahil ang DepEd pa lamang ay mangangailangan na ng 30,000 na guro sa unang taon ng K-12 program na magsisimula sa 2016.

Handa aniya ang kagawaran na kunin ang serbisyo ng mga mawawalan ng trabaho sa ibang eskwelahan.

Sa ngayon ay inilalatag na ayon kay Luistro ang scholarship program ng gobyerno para sa mga gurong mawawalan ng trabaho.

Habang walang trabaho ang mga guro sa unang dalawang taong transition para sa K-12, pwede silang kumuha ng Doctoral Degree para hindi sila mapag-iwanan kung magbukas na ulit ang oportunidad sa mga unibersidad pagsapit ng 2018.

Si Kabataan Partylist Rep. Terry Ridon ay muli namang nanawagan sa Kongreso na ibasura ang K-12 program ng Aquino adiministration.

Ito’y dahil walang kahandaan aniya ang gobyernong Aquino kahit ba nasa last phase na ang K-12 program bago ang full implementation nito.

Kabilang aniya sa mga isyung hindi pa nareresolba ay ang budget ng bagong curriculum, kawalan ng classroom at ang pinangangambahang pagkawala ng trabaho ng mga guro. MELIZA MALUNTAG


Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>